Monday , December 23 2024

Kaluwagan ng PNP-FEU para sa baril, ‘old house!’

KAMUSTA kayo?

Ops teka, Happy New Year muna sa inyong lahat. Siyempre, una sa lahat ay ating pasalamatan ang Panginoong Diyos sa lahat ng basbas na ibinigay Niya sa atin sa nagdaang taon, kabilang na rito ang pagsubok. Pagsubok na sa bandang huli ay may malaking pagpapala mula rin sa Lumikha.

Naniniwala ako na sa taong ito ay hindi pa rin tayo pababayan ng Panginoong Diyos.

Enero 5 na, ikalimang araw ng taon. Kamusta na kayo? Dama na ba ninyo ang mga panibagong pagpapala? Ops, huwag mong sabihin wala pa dahil isang malaking pagkakamali iyan kaibigan sapagkat ang paggising na lamang sa umaga para masilayan uli ang sikat ng araw ay isang malaking pagpapala. Huwag po kasi tayong masyadong nakapokus sa mga materyal na bagay.

Ako, dama agad ang pagpapala – pero noong una naisip ko na …what a new year!? Janaury 1 kasi ay isinugod ko sa ospital ang aking sarili. Hayun, checkup lang po sana pero hindi na ako pinauwi ng doktor, kailangan ko raw maoperahan agad kasi mas delikado kapag pumutok ang appendix ko. Kaya no choice. I had to and commit everything to the Lord.

How can I say na isang pagpapala ito? I was then, enlightened by a nurse, one of those nurses who took care of me at Malvar General Hospital at Quezon City.

Pagpasok niya sa kuwarto para tingnan ang BP ko, nagulat ako sa sinabi niya na appendicitis case ka pala sir. At sabi pa niya’y Praise God. Nagulat nga ako.

Pero nilinaw niya na isang basbas ang lahat dahil nga agad natuklasan kung ano ang dahilan ng pagsakit ng right side ng aking tiyan at higit sa lahat ay hindi ito pumutok. Delikado nga naman kung pumutok pa ito.

Well, tama siya, isa ngang pagpapala ang lahat – ang nangyari sa akin. Naagapan at naoperahan agad. Salamat Lord for the wisdom you’ve given to my attending physician.

Now, after two days at the hospital, ‘am home and praying to the Lord for my fast recovery.

***

Bagong taon, may bagong isyu ba? Wala dahil nga ang isyu na naman hinggil sa mga naputukan ng paputok at tinamaan ng ligaw na bala ay paulit-ulit na isyu tuwing salubungin ang Bagong Taon.

Sa mga naputukan ng paputok dahil sa katigasan ng ulo – tinutukoy natin ay iyong self accident, ayaw kong sabihin na … “Iyan ang napala mo dahil sa katigasan ng ulo mo,” kundi, “Sana ay magtanda ka na.” Matagal nang may panawagan ang gobyerno sa pamamagitan ng DOH na iwasan ang mga paputok o ilegal na paputok pero anong ginawa mo. I just pray for your healing.

Sa mga hunghang naman na nagpapaputok ng baril. Nasaan ang inyong konsensiya. Ilang inosente na naman ang inyong biniktima.

Sa Ilocos, dalawang sanggol ang inyong napatay. Natutulog lang sila pero anong ginawa ninyo/mo? Pinatay ninyo ang dalawang sanggol! Makonsensiya naman kayo.

At heto na naman ang nakaiinis, pabalik-balik ang isyu. Ang aksyon ng PNP laban sa mga baril, mapalisensyado o hindi.

Natuklasan na maraming lisensyado pero kuwestiyonable. Ang tanong ay ba’t ngayon lang natuklasan? Kung wala (pala) na naman tinamaan ng ligaw na bala ay walang gagawin aksyon ang PNP hinggil sa binabanggit nilang kuwestiyonableng lisensyadong baril.

Maraming kuwestiyonableng lisensyadong baril dahil sa sobrang kaluwagan ng PNP-FEU.

Kaluwagan ba o katakawan? Tama, dahil sa katakawan sa pera “TONG” ay mabilis ang pagproseso sa lisensya maging ng permit to carry. Inaamin ko, maging mga ilang kasamahan sa hanapbuhay, napakadali nilang kumuha ng mga papeles ng baril. Konting padulas at impluwensiya (sa pagka-media) hayun, aprubado na ang kanilang mga papeles. Ilan ngang mga kasamahan na may baril ay ginagamit ang baril sa kayabangan at hindi para sa pagtatanggol sa sarili.

Ang ibig ko, kung sana’y ipairal ang tamang kalakaran, walang palakasan, walang lagayan at walang

kung ano-ano pa, sana’y maiwasan ang lahat ng disgrasya.

Kaya wala pa rin ibang masisi sa mga pangyayari kundi ang sobrang kaluwagan ng PNP.

Kaluwagan at katakawan.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *