AWARE kaya si Angel Locsin na marami ang nakakapansin na T-bird ang madalas niyang nakakasama ngayon at nakaka-bonding? Mukhang wala naman paki si Angel kung intrigahin ito, huh!
Kung sabagay wala namang masama kung ang katropa niya ay mga tivoli lalo na kung doon siya happy. Hindi lang sa Asian Cruise na may mga tomboy siyang kasama pati na rin sa burol ng ina ni Ai Ai delas Alas.
Pero, eh, ano naman kung tomboy ang mga nakakasama niya kung hindi naman siya sino-showbiz at taong-tao ang pakikitungo sa kanya. Marami rin kasing tomboy na mababait at maalaga sa kaibigan, huh.
Anyway, mariing itinanggi ni Angel na kasama rin niya ang isang Governor na nag-Asian cruise na napapabalitang bago niyang boyfriend.
Pamilya raw niya ang kasama at ang mga kasama niya sa sitcom na Toda Max.
Pinabulaanan din ni Angel na may ipinalit siya sa dating boyfriend niyang si Phil Younghusband.
Ayaw pa raw niyang ma-in love ulit. Pero hindi naman daw niya pipigilan ang sarili kung may dumating. Wala naman daw siyang magagawa ‘pag tumibok uli ang puso niya.
Tsuk!
Acting ni Maricel, pang-award talaga!
KONTROBERSIYAL ang pagkapanalo ni Maricel Soriano bilang Best Actress sa nagdaang MMFF Awards Night para sa pelikula nila ni Vice Ganda na Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Hindi raw deserving ang Diamond Star na manalo. Mas deserving daw na manalo ang isa kina KC Concepcion at Eugene Domingo. At dapat din daw ay sa supporting actress category lang na-nominate si Maricel dahil support lang daw ito sa kanilang pelikula.
Nang mapanood namin ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, mula umpisa hanggang dulo kasama siya sa pelikula. Bagamat title role si Vice, umiikot ang istorya sa kanilang pamilya.
At in fairness, may acting si Maricel. Puwede na siyang mag-win ng award sa role niya. And more on drama siya rito kaysa comedy. Hindi rin puwedeng kuwestiyonin ang husay niya sa pag-arte dahil ‘di mabilang na acting trophies na ang napanalunan niya since child star pa lang.
Irespeto na lang sana ng detractors ni Maricel ang naging desisyon ng jurors ng filmfest.
At kung sa Best Actress category man na-nominate si Maricel, ang tiningnan siguro ng jurors ng filmfest ay ‘yung merit ng performance niya sa pelikula at hindi ‘yung ikli lang ng kanyang role.
Marami kaming nakausap na nakapanood ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy at iisa ang narinig namin sa kanila, magaling daw si Maricel. Okey na maging Best Actress.
Hindi kagaya ni Vice Ganda na kahit apat ang character niya sa naturang pelikula, parang iisa lang ang acting. Parang inayusan lang siya na maging girl, boy, bakla, at tomboy. Hindi niya nairaos na maramdaman mo talaga na kakaiba ang acting ng apat na karakter niya.
Ang ending tinalo siya ni Robin Padilla na deserving talaga na maging Best Actor sa 10000 Hours.
‘Yun na ‘yun!
Kris, nakikipag-close lang sa mga sikat?
UNFAIR naman ang paratang kay Kris Aquino na sa sikat lang siya nakikipag-close at sa mga kontrobersiyal. Nadagdag daw si Ryzza Mae Dizon sa listahan ng mga kaibigan niya gaya nina Vice Ganda, Kim Chiu, Ai Ai delas Alas, Melai Cantiveros, at maging sa mother ng pinakasikat na teen actor ngayon na si Karla Estrada.
Actually, may magandang anekdota rin kay Kris nang mag-guest ito sa show ni Vic Sotto. Takaw-pansin sa kanya ang Kapuso actor na si Sef Cadayona at nagkaroon ng amor.
“Noong una kinakabahan talaga ako. Patay kapag may isa akong maling joke na ginawa, medyo madedehado ako. Eh, ang nangyari po kasi, nagsimula, si Bimby kinukulit ako nang kinukulit, nakikipaglaro po sa akin tapos hindi niya po ako tinantanan kasi tawang-tawa siya sa thought na lalaki ako pero nakabihis babae ako…pero alam niyang lalaki ako,” kuwento niya.
Balita rin namin na gustong isama ni Kris si Sef ‘pag may iproprodyus itong project.
Talbog!
Renzo, tinutulungan ni Kuya Germs
ISANG baguhang singer ang bubulaga ngayong 2014 sa katauhan ni Renzo Vergara. Nagpatikim siya ng Christmas song noong December titled Miss Ko Ang Pasko at full blast ang promo niya ngayong January para sa album na release ng Star Records.
Si Renzo ay produkto ng reality show ng MYX na Star Camp. May taas siyang 6’2 at mula sa Antique.
Nakitaan ni Kuya Germs ng talent at promise si Renzo kaya buo ang suporta niya sa binata at binigyan ng exposure sa Walang Tulugan. Nangako talaga siya na sususportahan ito.
May 11 cuts ang album ni Renzo. Tatlo rito ay Christmas songs na pawang original compositions ng collaboration nina Renzo at ng kanyang manager na si Mark Quintela.
Ang musika ni Renzo ay mixture ng pop, ballad, at rock.
Talbog!
(ROLDAN CASTRO)