Friday , November 15 2024

PNP ‘Ask’ Forces binuwag nina Generals Charles Calima at Benjamin Magalong

00 Bulabugin JSY
GUSTO natin ang TIKAS ngayon ng mga bagong pinuno ng PNP IG at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nariyan ngayon si Chief Supt. Benjamin Magalong bilang acting director ng CIDG habang si Chief Supt. Charles Calima naman ay itinalagang Acting Director for Intelligence.        Ang unang ginawa ng tandem na Magalong at Calima ay pagbuwag sa ASK este task forces na matagal nang inirereklamo ng iba’t ibang grupo na kanilang napeperhuwisyo.

Mahigpit ang TAGUBILIN ni GEN. MAGALONG, sino mang nagpapakilalang miyembro ng CIDG o ano mang yunit nito na ang layunin ay makapangikil agad ninyong i-REPORT sa kanila.

Mukhang ang TIKAS nina Generals Magalong at Calima ay kaya nilang panindigan dahil nakikita natin na kapwa sila mayroong ‘WILL POWER.’

Lalo na sa kotong cops at mga tarantadong nagpapakilalang bagman.

Nananawagan rin sa publiko si Supt. James Brilliantes na huwag mag-atubili na i-report sa kanilang tanggapan (PNP IG) ang mga bagman na umiikot para kumolekTONG.

Ngayon pa lang, tiyak na marami na ang natutuwa sa hakbanging ito ng dalawang magigiting na heneral.

Mga SIR, pakisilip lang po d’yan sa tabi-tabi ninyo, baka mayroon pang ‘REMNANTS’ ang mga notorious na miyembro ng ‘ASK FORCES.’

Baka po tumatahi-tahimik lang sandali ang mga ‘yan pero kapag nakatiyempo ‘e bigla na namang ‘sasalakay’ gamit ang pangalan ninyo.

Ingat-ingat po Generals Magalong and Calima!

TULUYAN NANG NAMANTOT ANG MAYNILA

(ATTN: MANILA CITY HALL)

SISING-ALIPIN na raw talaga ang mga nagsipagbaliktaran lalo na roon sa mga area ngayon na malapit na malapit sa mga ginawang tambakan ng basura sa Maynila.

After NEW YEAR kasi ‘e naglaho na ang mga tagahakot ng basura. Hindi natin alam kung ano ang tunay na kwento pero ang sabi-sabi  ‘e hindi na raw ini-renew ng administrasyon  Erap ang kontrata sa dating naghahakot ng basura.

Bakit kaya?

Weder weder lang ba?

Totoo ba ang balita na ang plano ng administrasyon ni Erap na kuning bagong tagahakot ng basura ay ‘yung naghahakot rin ng basura sa Laguna ganoon din sa San Juan?!

Hindi ba’t d’yan nga nagtampo si Erap dati sa kanyang ‘kaibigang’ si Mayor  Alfredo Lim dahil hindi nakaporma ang kompanyang inirerekomenda niyang maghakot ng basura sa Maynila?!

Noong tapatan niya sa nakaraang eleksiyon si Mayor Lim, ‘yan din ang naging propaganda niya. Mabantot na raw ang Maynila at santambak ang basura kaya kailangan nang palitan ang alkalde.

Sa kabila ng disqualification case ‘e pinatakbo nga siya ng Comelec at pinalad na makakuha ng boto na napaka-marginal ang lamang sa boto ni Mayor Lim.

Ngayon, LUMINIS AT BUMANGO ba ang Maynila sa administrasyon ni Erap?!

Bayan, kayo na ang humusga!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *