Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nasa ayre ang puwersa ng Ginebra

TANGGAP na rin marahil ng mga dating Most Valuable Player awardees na sina mark Caguioa at Jayjay Heltebrand na hindi na sila ang main men ng Barangay Ginebra San Miguel sa kasalukuyang season ng Philippne Basketball Association.

Umikot na ang gulong at ang focal point ng Gin Kings ay ang twin tower combination nina Japhet Aguilar at Gregory Slaughter.

Hindi na nanggagaling sa backcourt ang opensa ng koponan. Hindi na primary offensive weapons sina Caguioa at Helterbrand bagama’t paminsan-minsan naman ay nakakapag-deliver pa rin sila.

Kumbaga’y tanggap na ng lahat na ang pangunahing sandata ng Gin Kings ngayon ay ang tangkad nila. Bukod kasi kina Aguiar at Slaughter ay nandiyan pa sina Jay-R Reyes at Billy Mamaril Nakaupo rin sa bench si Brian Faundo.

So may limang manlalaro ang Barangay Ginebra na ang height ay 6-5 pataas.

Idagdag pa rito ang high-leaper na si Chris Ellis na siyang riegning Slam Dunk champion at makikita na ng lahat na sa ayre talaga ang labanan kung Barangay Ginebra ang pag-uusapan.

Kaya naman talagang napakahirap makipagsabayan sa Gin Kings.

Biruin mong limang higante kaagad ang pag-iisipan mo nang husto!

E kina Aguilar at Slaughter lang ay sasakit na nga talaga ang ulo mo.

Kung tutuusin, napakadali sana ng trabaho ni coach Renato Agustin.

Para bang ibinigay sa kanya ang isang koponang nakatadhanamg hindi lang mag-kampeon kungdi makabuo ng Grand Slam.

Pero sa lahat ng mga coaches sa PBA, si Agustin ang tiyak na may masakit na ulo.

Kasi napakabigat ng challenge sa kanya.

Para bang walang karapatang matalo ang Barangay Ginebra.

Parang kapag natalo sila, matindi pa sa Yolanda ang dumapo sa bansa!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …