Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fajardo ‘di agad makalalaro — Abanilla

HINDI masasabi ni Petron Blaze coach Gee Abanilla kung kailan talaga babalik sa court ang sentro ng Boosters na si Junmar Fajardo.

Sinabi ni Abanila na magiging dahan-dahan ang paggaling ni Fajardo mula sa kanyang pilay sa tuhod.

“Hindi pa natin masabi kung kailan,” wika ni Abanilla. “He’s still day to day. His capacity to practice will depend on his body’s readiness.”

Napilay si Fajardo sa ensayo ng Petron noong Disyembre 23 at hindi na siya nakapaglaro kontra Ginebra at Talk ‘n Text.

Pero kahit paano, nasanay ang Boosters sa pagkawala ni Fajardo nang tinalo nila ang Tropang Texters noong Sabado.

“Basta naglaro kami,” ani PBA 2013 MVP Arwind Santos. “Kahit wala si June Mar, naniniwala pa rin kami sa isa’t isa at sa kakayahan namin.”

“Pinapakita ng mga coaches namin sa video yung kakayahan namin kaya sa amin, tinanggal namin sa isip namin na wala si June Mar. So far, maganda naman  ang tinatakbo ng team at nag-work naman.”

Balik-aksyon ang Boosters sa Enero 8 kontra Barako Bull.

(JAMES TY III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …