Friday , November 15 2024

Biktima ng paputok taon-taon problema ng DoH at PNP

00 Bulabugin JSY
MULA yata nang magkaisip tayo ay lagi na natin nakikita tuwing unang araw ng taon ang mga larawan sa diyaryo at news clips sa telebisyon na pawang nasabugan ang kamay, ang mukha, putol ang daliri, ‘yung iba kamay na nga.

Merong mga walang malay nang dalhin sa ospital dahil tinamaan ng ligaw na bala mula sa mga demonyong mahilig magpaputok na baril.

At kapag minamalas-malas ka ‘e masusunugan ka pa ng bahay.

Hindi na po tayo umahon sa problemang ‘yan. Taon-taon ay lagi na lang problema ‘yan ng Department of Health (DOH) at ng Philippine National Police (PNP).

Sa totoo lang, ang daming kaso ng “stray bullet” na hindi na nalutas. Pero sa kabila nito ay paulit-ulit na nagaganap taon-taon.

Gusto ko lang pong sabihin sa inyo, bukod tanging sa bansa lang natin ganyan kakulit ang paulit-ulit na kaso ng mga naputukan at tinamaan ng ligaw na bala.

Tayong mga Pinoy lang po, ang bumibili ng napakaraming paputok tuwing Bagong Taon.

Sa ibang bansa, nagtatakda lang sila ng isang LUGAR kung saan magkakaroon ng FIREWORKS DISPLAY.

May mga lugar rin na mayroon new year countdown concert.

Kaya doon nagpupuntahan ang mga tao. Doon nila sinasalubong ang Bagong Taon nang ligtas at masaya.

Nitong bisperas ng Bagong Taon, hinangaan natin ang ginawa ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kasabay ng pagbabawal sa pagpapaputok, na pinagtibay ng city ordinance, naglunsad ng contest para sa pagandahan ng torotot sa Davao City.

Nagtakda sila ng isang lugar para doon ilunsad ang pakontes nila sa pagandahan ng torotot. Kaya doon natuon ang pansin ng kanilang mga constituents.

Mabuhay ka, Mayor Duterte!

Sana ay magkaroon na rin ng mga kagayang aktibidad ang iba pang local government units (LGUs) sa bansa. Kasi, kahit ano pang pagbabawal ang sabihin ng mga awtoridad laban sa paputok, kung wala naman alternatibong aktibidad ang mga tao, doon at doon pa rin sila babagsak. Kaya paulit-ulit lang ang mga kaso ng mga naputukan.

Palagay natin ‘e ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), at Department of Tourism (DoT) ang dapat manguna sa aktibidad na ito.

Huwag natin gawing dancer si Health Undersecretary Eric Tayag, kasi hindi naman niya trabaho ‘yan. (hik hik hik)

Ang dami pong government agencies na pwedeng pakilusin para tuluyan nang mawalis ang kultura ng maling pagsasaya.

‘Yun lang po … at muli, isang masaya, mapayapa at mabungang Bagong Taon sa inyong lahat!

ADMIN CHIEF SA MANILA PROSECUTORS’ OFFICE,  INIREREKLAMO

(ATTENTION: SOJ LEILA DE LIMA)

HINDI na raw makatuwiran at tila ganid na umano sa kapangyarihan ang isang administration officer ng Manila fixcal ‘este’ Fiscal’s Office dahil hanggang ngayon ay ‘kapit-tuko’ pa rin daw sa kanyang posisyon gayong retarded ‘este’ retired na noong nakalipas na buwan ng Nobyembre.

Ayon sa reklamo ng mga empleyado sa Manila Fiscals’ office, wala na raw sa posisyon si Stella dela Cruz, dating Admin officer ng Manila Prosecutors’ office pero hanggang ngayon ay nakikialam at umeepal pa sa trabaho ng mga empleyado ng fiscals’ office.

Si Dela Cruz ay nagretiro noong Nobyembre 4, 2013 pero dahil sa umano’y pagiging ‘gahaman’ sa kapangyarihan ay umapela pa sa Civil Service Commission pero ‘denied’ ang apela noong November 14.

“Ayaw pa rin po niyang umalis sa puwesto gayong matagal na siyang nagretiro sa Prosecutors’ office, ano kaya ang hinahabol niya rito, meron ba siyang pinagkakakitaang malaking kaso sa korte kaya’t ayaw niyang umalis sa puwesto?” hinaing ng ilang empleyado ng Fiscal’s office.

Maging si Manila chief  prosecutor Edward Togonon ay nahihiwagaan na rin daw kay Dela Cruz dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin tigilan ang paglabas-pasok sa kanilang opisina.

Madalas din daw ipagmalaki ni dela Cruz na malapit na kaibigan niya si Manila Mayor Joseph Estrada kaya’t walang pwedeng pumigil sa kanya hangga’t nasa bakuran ng Manila City hall.

Justice Secretary Leila De Lima, baka naman pwedeng kayo na ang makialam sa isyung ito sa Manila Prosecutors’ Office?

Mukhang hindi na yata kayang kastigohin ni Manila chief prosecutor Togonon ang kanyang retiradong admin officer!?

Pakisagot lang po, Manila Chief Prosec.!

168 MALL PAYOLA KANINO NAPUPUNTA!?

MAY nasagap tayong impormasyon na umaangal ang mga Chinese trader sa 168 Mall sa Divisoria dahil sa pagkakahuli (raid) sa kanila ng Bureau of immigration (BI) nakaraang disyembre.

Para saan daw at sinisingil sila ng admin ng 168 Mall ng P500 per stall per month para hindi raw sila hulihin ng BI?

Kung ganito ang sistema, saan napupunta at inire-remit ang perang nakokolekta ng pamunuan ng 168?

Sa Federation ba? Sa Admin kaya ng 168 Mall? O may nakikinabang pa sa nakaraang administrasyon ni dating BI Commissioner Ric David Dayunyor?

Almost 3000 stalls daw ang total number of stalls ng 168 mall, so P1.5 million monthly ang koleksyon na sinasabing napupunta sa proteksyon nila.

BI commisioner Fred Mison, baka pwede mong paimbestigahan ang payolang ito? Mukhang may ‘nananatiling’ nakikinabang na ilang tulisan sa BI sa nabanggit na koleksyon sa 168 payola!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *