PINAAAPURA na ni Justice Sec. Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon at pagsusumite ng report kaugnay sa sinasabing sindikato ng special allotment release orders (SAROs) sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni De Lima, lumalabas sa paunang resulta ng imbestigasyon na mga staff ng mga kongresista ang kasabwat ng sindikato o tinaguriang “SARO Gang” sa DBM.
Ayon kay De Lima, kasama sa 12 SAROs na iniimbestigahan ang dalawa mula sa Regions I at VI na kinasasangkutan ng mga proyektong nagkakahalaga ng P161 milyon at P77 milyon.
Ang kwestiyonableng SAROs ay nakalaan sana sa Calabarzon (Region 4A) at Soccsksargen (Region 12).
Lumalabas din na ang kinikilalang “Supremo” o pinuno ng pamemeke ng SARO ay isang babae, ayon sa sumbong ng DBM insiders.