Monday , December 23 2024

MIAA GM Honrado may pusong makatao

BAGO ang lahat ay gusto ko munang batiin ang Hataw team sa pangunguna ng aming publisher na si ALAM chairman Jerry Yap dahil naging matagumpay ang aming pahayagan lalo sa pagtulong sa mahihirap nating kababayan na biktima ng mga karumal-dumal na krimen na kanyang tinutulungan at ang isa na naging accomplishment niya ay itong pagtulong sa biktima ng Yolanda super typhoon na talagang nagkusa siya para kumilos na tumulong sa mga biktima.

Sa muli sa pagbati ko sa kanya bilang kumpare niya at big boss namin Happy new year boss! Mabuhay ka.

***

Kahapon ay nakapanayam ko exclusive si Manila International Airport Authority General Manager Jose ‘Bodet’ Honrado sa kanyang tanggapan at madamdamin ang aming pag-uusap tungkol sa nangyaring ambush sa kanyang nasasakupan at basang-basa ko ang kanyang paghihinagpis dahil sa ambush kay Mayor Talumpa na ikinadamay ng mga musmos na wala pang kinalaman sa mundong ito at ginagawa niya lahat ang kanyang makakaya upang maiayos ang NAIA.

Ayon sa kanya, “you cannot deterrent an assassin,” at ito ang kanyang sinabi sa aking panayam.

Sabi niya “Nakikita natin ang pwedeng idagdag sa security procedures sa terminal 3 at siguro sa lahat ng terminal ay may police visibility sa lahat ng terminal lalo sa labas dahil sa lob ng terminal ay mahigpit na ang security sa mga pasahero at bago makapasok ay na-screen sa metal detector at ang bagahe ay dumaraan sa X-ray scanning at ang mga pasahero ay kinakapkapan at hindi naman pwede sa labas lalo public area ang magkapkap at ‘di rin pwede ang walk through kaya ang pwede lang gawin ay to increase police visibility at nakipag-usap na kami sa NCRPO, Southern Police District at kasama rin ang Director ng Aviation Security Group at sila ay nagdagadag ng tao sa ating terminal habang nandito sa atin ang Christmas season. Tungkol naman sa CCTV humihingi sa mga tao ng konting pasensiya dahil nag-umpisa na ang trabaho noong November 14  sa pangunguna ng DOTC at matatapos ito sa July 2014 at hindi lang CCTV ang ginagawa kundi 20 systems ang gagawin at ire-replace ang mga ito o major overhaul dahil sa non used for so many years at ang CCTV ay isa sa 20 system na sinasabi natin.”

Isa rin sa naging usapan namin ay tungkol sa taos puso niyang pakikiramay sa batang nadamay sa ambush kay Mayor Talumpa.

Sabi niya ay “well dinalaw ko ‘yung namatay na bata noong linggo at nakipag-usap na ako sa mga kamag-anakan niya tungkol sa maibibigay na tulong natin at nakausap ko na si PCSO Chairman Margie Juico at General Manager Roxas ng Sweepstakes at sasagutin nila ang hospitalization ng mga biktima at tinitingnan din namin ang insurer ng GSIS kung ano pang additional tulong ang maibibigay namin sa mga namatay at sa mga nasaktan.

Dagdag niya sa kanyang mensahe, “Well Jimmy, uulitin ko ang taos pusong pakikiramay sa mga namatay sa insidenteng ‘yun at nakikiisa kami sa mga nasugatan at sana gumaling sila sa lalong madaling panahon lalo na ang batang si Dianne.”

‘Yan ang eksklusibong panayan ng HATAW kahapon.

***

Binabati ko pala ang buong bansa na sa darating na New Year ay huwag magpaputok ng baril lalong-lalo na ang mga pulis, sundalo at sa mga unlicensed firearms ng mga civilian ay maawa naman kayo sa mga tatamaan ng ligaw na bala.

Sana sa Bagong Taon na ito ay magkaisa, magmahalan at magtulungan tayo at suportahan natin ang ating Pangulong Noynoy.

Sa mga lumilihis sa ‘tuwid na daan’ ay magbago na kayo at mag-resign kayo.

Mabuhay ang Pilipinas. God bless us all!

Jimmy Salgado

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *