Monday , December 23 2024

Ang reyna ng resin smuggling at ang bagong hepe ng BoC-PIAD

DALAWANG matitikas na kababaihan diyan sa Bureau of Customs (BoC) ang ngayo’y laman ng kuwentohan ng customs employees, brokers, importers at players sa apat na sulok ng Aduana.

Ang dalawang kababaihan ay  kapwa nagwawasiwas ng kapangyarihan diyan sa Customs na talaga namang masisindak ka sa kamandag. Parang venom ng cobra!?

Ang una ay si TINA-YU-PAK PIDAL na kilala bilang reyna ng smugglers ng plastic resins. Umaalingawngaw ang bulungan patungkol sa P300 milyon na ipinamasko umano ni ALING TINA at anak na si BEBANG sa isang masuwerteng bagong opisyal ng BoC kamakailan lang.

Matagal nang reyna ng resin smuggling si ALING TINA diyan sa Aduana. Nagpalit-palit na ang mga pangulo ng bansa ay naroroon pa rin siya. Tumindi lalo ang “clout” ni ALING TINA noong panahon ni Ginang Gloria Macapagal Arroyo makaraang lumutang ang pagiging super close nita sa dating 1st couple na si ex-PGMA at Atty. Mike “Dorobo” Arroyo. Kaya nga PIDAL ang alyas ng tarantadang si ALING TINA.

May ilang dekada na rin TINAtarantado ni ALING TINA  ang ating batas at mismong gobyerno.

Dahil sa kanyang hindi matatawarang ‘impluwensiya’ sa mga kapwa niya BULOK at CORRUPT na mga opisyales ng BoC, maraming importers ang kanyang mga kliyente at nakopo niya ang ismagling ng resins. ‘Ika nga sa lengguwaheng Ingles “retainer” si ALING TINA ng mga illegal at legit importers sa Aduana.

Lahat halos ng mga paparating na kargamento diyan sa Port of Manila  (PoM) at MICP ay monitor ng reynang tarantada.

Siyempre pa, malaki ang pakinabang kay ALING TINA ng mga alagang asong gutom sa ilang corrupt na opisyales ng Bureau of Customs.

Kung sino o kung sino-sino ang mga naambunan ngP300M pamasko ni Aling Tina nitong bago mag-Pasko ay tiyak natin sisingaw din ngayon pagpasok ng Bagong Taon.

May mga ‘nabukulan’ kasing opisyal kung kaya’t nag-uumpisa nang magngangawa. Eventually, ang pag-ngawa ay mapapalitan ng ‘pagkanta’ ng sintonado. May mga pangalang lulutang na tiyak na hindi magugustuhan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Isa kaya rito ang tinaguriang ‘diyos’ sa Department of Finance?

Bukol din ba ang bagong upong si Commissioner Sunny Sevilla? Kawawang nilalang!

BAGONG PAID ‘este’

PIAD CHIEF NG BOC

Another Iron Butterfly ngayon diyan sa Aduana ay si Madam CHARO LOGARTA LAGMAN, ang bagong hepe ng BoC-PIAD (Public Information & Assistance Division).

Si Madam Charo lamang ang bukod tanging nagbibigay-pahintulot (accreditations) sa sino mang mediamen na gustong pumasok sa bakuran ng Bureau of Customs.

Tangi kasing mga accredited media entities at media personalities ang papapasukin sa BoC. Ang tanong, anong mga panuntunan ang isinasaalang-alang ng tanggapan ni Madam Charo para makategorya ang ‘legit media’ sa mga HAO SHIAO?

Kapag broadsheet newspapers, categorized na agad na ‘legitimate’ kahit pa nga ‘himod’ na at hindi basta lamang ‘himas’ ang mga ginagawang istorya o yaong tinaguriang mga “praise releases.”

Papuri at pabor na istorya sa Customs ang lumalabas sa kanilang mga peryodiko.

Paano ‘yung mga tabloid na ‘bumabanat at bumabatikos’ sa katiwalian sa BoC, hao shiao na ba ang tawag sa kanila?

Para bang gustong sabihin ni Madam CHARO na publicists na lamang at hindi reporters ang papayagang mag-cover sa Customs beat.

Yaong mga critical writers at columnists sa mga tabloid ay huwag nang bigyan ng accreditation.

Nangyayari lamang ang mga ganitong sistema sa mga sangay ng pamahalaan kung sadyang napakaraming ‘BULOK at BAHO’ na itinatago ang isang ahensiya gaya ng Bureau of Customs.

Parang gustong pairalin ni Madam Charo ang censorship sa mga balitang manggagaling sa Customs para maiwasang uminit ng ulo ng kanilang BOSS na si Pangulong Aquino.

In fairness, noong panahon ni GMA, walang pinipiling media personalities na pinapapasok sa BoC especially noong si dating BoC Commissioner Boy Morales pa ang Komisyonado. Kasi walang ‘BULOK’ na gustong itago. Bahala kayong magsumikap at dumiskarte. Umalingasaw man ‘yan kesehoda. “Transparent ang mga katarantadohang umiiral, unlike ngayon na sila-sila lamang ang nakaaalam ng kanilang diskarte. Kahit kapwa opisyal, gustong lamangan!

Mga “too good to be true cabinet members.”

Kasi si Boy Morales ay si BOY TOTOO. Sinasabi niya sa kanyang BOSS noon na si GMA ang lahat ng nangyayari diyan sa Aduana kesehodang magkagulo. May “BALLS” si Boy Morales at talagang hindi SUWAPANG sa GRASYA.

Di katulad ngayon na ang lahat ay nagbabalatkayong SANTO pero puro demonyo naman.

In short, hindi BAKLA si BOY MORALES na aminin ang katotohanan sa kanyang mga bossing. Lalong hindi naging SWAPANG si BOY MORALES sa kuwartang masaganang umaagos diyan sa Aduana.

Unlike now na kaliwa’t kanan ang bukulan. Ang siste nga diyan ngayon sa BoC e bantayan!

Walang kukurap dahil tiyak na ikaw ay mabubukulan.

E si PNoy kaya kuwadrado na ang ulo sa dami ng ‘bukol,’ hindi ba, Secretary Cesar Purisima at ES Paquito Ochoa?

More on corruptions sa BoC sa mga susunod nating pagbira.

ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm  mag txt  sa  sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *