Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino si Joseph Ang? (Ang Chinese casino financier na hinabol ng saksak ni Jerry Sy) Attention: BIR, NBI, PNP

00 Bulabugin JSY

HINDI na mapigil ang paglabas ng katotohanan.

‘Yun nga lang, news reporters and police investigators must dig deeper to reveal the truth.

Hindi lamang si Jerry Sy, ang Chinese national na nanghabol ng saksak ang dapat imbestigahan …

Dapat din imbestigahan ang hinabol niya ng saksak na si Joseph Ang.

Makailang beses na namin naikolum sa BULABUGIN si Joseph Ang dahil sa kanyang bigtime money laundering operations at tax evasion sa Resorts World Casino Manila.

Kung money laundering scheme at tax evasion ang pag-uusapan, masasabi nating No. 1 ‘yang si Joseph Ang.

Si Joseph Ang ay hindi ahente ng Ringson’s International office na isang pekeng kompanya. Malakas ang ugong sa RW casino na siya mismo ang main operator nito.

Bukod tanging siya lamang ang mayroong VIP gaming room sa 3rd floor ng Resorts World Manila.

Sa VIP room na ito sinasabing nangyayari ang money laundering scheme ni Joseph Ang na ang pangunahing kliyente ay mga miyembro umano ng Chinese Triad.

Isa pa rito ang isang empleyado umano ng RW Casino na si alias Eric Ayao a.k.a. Ecstacy Boy na naging kasosyo niya sa pagpi-finance sa casino.

FYI, Madam KIM HENARES ng BIR, ayon sa ating impormante, ‘yang si Joseph Ang ay dating BUGAW lang sa isang mumurahing Karaoke club sa Ongpin pero ngayon ay SUMIRIT na ang yaman at naging No. 1 money launderer pa sa CASINO.

Mukhang mayroong malalim na istorya sa SAKSAKAN INCIDENT na ito.

Kalkalin!

FRUIT VENDORS SA DIVISORIA NAG-IYAKAN DAHIL KAY ONSE BAGMAN a.k.a. MR. FRUIT SALAD

KAHAPON ay nagawi tayo sa Manila Police District Press Corps office, dahil naimbitahan tayo sa kanilang munting salo-salo.

At isa nga sa ‘GOOD NEWS’ e nalaman natin na si Supt. Alexander ‘Yanqui’ Yanquiling, Jr., ‘e ang bagong station commander ng MPD (PS 5) Ermita Station.

Congratulations, Yanqui!

Back to Mr. ONSE BAGMAN a.k.a. TATA BONG KRUS hindi po sinasadyang namataan natin siya at ang isang POLICE MOBILE CAR, na punong-puno ng boxes of different fruits.

Sa dami ng kahon-kahong prutas na naroon  sa nasabing POLICE MOBILE e masasabi natin na maraming FRUIT VENDORS ang nag-iyakan.

Pero higit tayong nagulat dahil, ang nakita nating nagmamando na ibaba ang mga prutas ay si TATA BONG KRUS.

Mukhang maraming pagdadalhan sa MPD HEADQUARTERS ang ‘sikat’ na BAGMAN ng ONSE.

By the way, KERNEL YANQUI, alam mo ba na si BAGMAN TATA BONG ay d’yan naka-DEPLOY sa MPD PS5? Pero marami ang nagtataka kung bakit sa Binondo ONSE at Divisoria siya naglalagare sa pangongolektong?!

Mukhang may masasampolan ka, KERNEL YANQUI!

Paki-TESTING nga kung sino ang IIYAK sa MPD HEADQUARTERS kapag nasampolan mo si BONG CRUZ, Kernel Yanqui.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …