Friday , November 22 2024

Pagpasok ng Mexican drug cartel sa PH bubusisiin

INATASAN ng Palasyo ang Bureau of Immigration (BI) na busisiin ang records nang pagpasok ng mga dayuhang pinaniniwalaang mga kasapi ng Mexican drug cartel sa Filipinas.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nais malaman ng Malacañang kung may naging kapabayaan ang BI kaya nakalusot sa bansa ang mga miyembro ng kilabot na Sinaloa drug syndicate.

“We will check. We will check that particular information with the BI because also on its phase if they have a passport that is in order, tapos meron naman silang visa depende kung saan ‘yan galing. May isang report na iyong isa yata US passport ang hawak. So we’ll have to check iyong entry records. Part of their prosecution also will have to — is the checking of how they were able to enter the country — kung were there papers in order or talagang meron hong namiss. That is something that should also be looked into after the capture of the ring,” ani Valte.

Itinuturing ni Valte na isang positibong pangyayari ang pagkakasalakay ng mga awtoridad sa shabu laboratory ng Sinaloa drug syndicate sa Lipa City, Batangas kamakailan dahil magiging madali na aniya para sa mga operatiba na kilalanin ang bumubuo sa sindikato at dakpin sila.

“Maganda na na-identify na ho iyong presence nila at nasabat nga ho iyong kilo-kilong ipinagbabawal na gamot na nahuli nga ho din nila doon sa farm sa Batangas. One, the knowledge of their presence and their operations here would make it easier for our operatives to identify and to target them,” paliwanag niya.

Binigyang-diin pa niya na ayaw  ng administrasyong Aquino na maging pugad ng illegal drugs ang Filipinas kaya sa pinaigting na koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Aganecy (PDEA), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa anti-drug groups ng ibang bansa ay nadakip ang mga sangkot sa illegal drugs trade dito.

Umabot sa 84 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P420 milyon ang nasabat ng mga awtoridad nang maglunsad ng raid sa farm sa Lipa City, Batangas na pinaniniwalaang minamantine ng Sinaloa drug syndicate.

(ROSE NOVENARIO)

3 DRUG SUSPECTS SA BATANGAS HUMIRIT NG DOJ PROBE

HUMIRIT ng full-blown preliminary investigation ang kampo ng tatlong naaresto sa drug raid sa isang farm sa Batangas laban sa inihaing reklamo sa kanila ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force.

Hiniling mismo nina Garry Tan, Argay Argenos at Rochelle Argenos sa Department of Justice (DoJ) na magsagawa ng inquest proceedings.

Ang kahilingan ng tatlong naaresto ay agad naman inaprubahan ni State Prosecutor Juan Pedro Naverra matapos na lumagda sa isang waiver na kusang isinusuko ang kanilang karapatan sa ilalim ng Article 125 ng Revised Penal Code o Delay in the delivery to Judicial Authorities.

Sa Enero 9, 2014 ang itinakda ni Naverra na pagdinig at inaasahang magsusumite ng kanilang counter affidavit ang mga suspek.

Ang tatlo ay kinasuhan ng paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.

Sa isinagawang raid ng PNP- AIDSOTF, nakompiska sa operasyon ang 84 kilos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P420 million, isang kalibre .45 na baril at rifle.

Sinasabing ang may-ari ng compound kung saan nasamsam ang mga ilegal na droga ay ang dating Batangas Governor na si Antonio Leviste na kamakailan lamang ay napalaya sa National Bilibid Prison (NBP) matapos gawaran ng parole, na pinapaupahan sa isang Jorge Torres na pinaghahanap ng mga awtoridad.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *