Friday , November 22 2024

Ginang, 2 anak ini-hostage ng tomboy (Mister na OFW pinagsasaksak)

HALOS umabot ng isang oras ang pag-hostage ng 30-anyos  tomboy sa kinakasamang ginang at dalawang anak, matapos pagsasaksakin ang asawa ng biktima kamakalawa ng umaga sa bayan ng Pateros.

Ini-hostage ni Delia Enriquez, ng 44-G Sitio Pagkakaisa St., Barangay Sta. Ana, sina Jenelyn Rinego Dacuma, dalawang anak na sina Carl, 3-anyos, at Unix, 2-anyos, pero matapos ang 45-minutong negosasyon ay sumuko sa pulisya ang suspek.

Patuloy na inoobserbahan sa Rizal Medical Center ang mister ni Jenelyn, si Rodolfo Dacuma, 32, sanhi ng mga saksak sa katawan bunsod ng matinding selos ng suspek.

Ani Chief Insp. Boy Navia, hepe ng Intelligence Unit ng Pateros police, nagkaroon  ng relasyon si Jenelyn mahigit isang taon sa suspek habang nagtatrabaho sa Saudi Arabia ang asawang si Rodolfo.

Dumating si Rodolfo araw ng Pasko at muling nabuo ang pagsasama ng pamilya na labis na ipinagselos ng suspek .

Dahil dito, kinompronta ni Enriquez ang ginang dakong 8:30 ng umaga sa kanilang bahay sa 54 Sitio Pagkakaisa, Barangay Sta Ana.

Nakialam ang mister ni Jenelyn na ikinairita ng suspek kaya’t pinagsasaksak niya ang asawa ng ginang.

Naghihiyaw at humingi ng tulong ang ginang pero tinutukan siya ng patalim at kinaladkad papasok sa loob ng silid ng suspek, pati ang dalawa niyang anak saka ginawang hostage.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *