Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 384 panibagong kaso ng HIV para sa buwan ng Nobyembre
Ayon kay Dr. Eric Tayag, asst. secretary, tagapagsalita ng DoH, ngayong 2013 umabot sa 4,456 ang nagpositibo sa HIV-AIDS.
Kung susumahin, ang mga Filipinong nagka-HIV simula sa pag-monitor ng DoH noong 1984, aabot na sa 16,158
Sinabi ni Assec. Tayag, hindi na mapipigilan ang pagkalat ng nasabing virus sa kabila ng mga paalala ng ahensiya.
Pangunahin pa rin sanhi ng pagkakaroon ng nasabing sakit ay ang unprotected sexual act.
(LEONARD BASILIO)