Friday , November 15 2024

Reporters ng DZRB: Coloma, sinungaling

“COLOMA, SINUNGA-LING!”

‘Yan ang sabay-sabay na isinigaw ng mga reporter ng DZRB-Radyo ng Bayan sa inilunsad na kilos-protesta kamakailan sa harap ng Philippine Information Agency (PIA).

Anila, taliwas sa ipi-nangalandakan ng Palasyo na ginawa ang lahat para maiparating at makapaghanda ang publiko sa pagtama ng super typhoon “Yolanda” ay nasa mamahaling hotel sa Tagaytay ang pamunuan ng DZRB-Radyo ng Bayan, sa isang conference na itinakda ni Philippine Broadcasting Service (PBS) Director Tito Cruz mula Nob-yembre 6-8.

“Handang-handa ang lahat ng field reporters ng DZRB – Radyo ng Bayan ng mga araw na iyon pero hindi  nakapag-cover bago pa man manalasa si Yolanda, kahit na sa kasagsagan nang pagtama nito sa Samar at Leyte, hanggang matapos na rumagasa ang delubyo sa mga naturang lalawigan,” anang grupo.

Walang nagbasbas sa kanila ng mga araw na iyon, kaya hindi sila nakakakilos dahil  nasa Tagaytay ang lahat ng hepe ng News Division at Public Affairs Division managers ng radio, ma-ging si Cruz.

Kaya malinaw anila na walang katotohanan ang iniyabang ni Communications Secretary Sonny Coloma na lahat ng frontliner ng government agencies ay kanila nang nai-deploy  bago pa man humagupit si Yolanda sa dahilang walang Radyo ng Bayan ng mga oras na iyon.

Ang DZRB-Radyo ng Bayan ay kabilang sa mga himpilan sa bansa na pinatatakbo ng gob-yerno.

Iyan ang hirap kay Coloma, napakabilis idepensa kapag interes ng mga dambuhalang ka-pitalista pero kapag nasa panganib ang buhay ng publiko sa paparating na delubyo, kesehodang maglubid ng kasinungalingan, mapagtakpan lang ang kapalpakan. PWE!!!

PAMAMAYAGPAG

NI JPE, THE END NA?

HINDI lang political career at kalayaan ni Sen. Juan Ponce-Enrile ang matutuldukan bunsod ng P10-B pork barrel scam, napakalaki na rin ng posibilidad na pati ang pinagmumulan ng kanyang kayamanan ay maglaho na rin.

Gumugulong na ang imbestigasyon ng specila rask force ng Department of Justice (DOJ) sa mga ibinulgar ni Sen. Miriam Defensor Santiago na illegal gambling, illegal logging at illegal importation na nagaganap sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) na itinuturing na kaharian ni Enrile.

Sisilipin din ang posibilidad na pineke ni Enrile ang kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN) para ikubli ang kanyang kuwestiyunableng yaman at hihilingin ng special task force sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magsagawa rin nang pagsisiyasat.

Kasama sa bubusisiin ang operasyon sa freeport ng car import business ng manugang ni Enrile na si James Kocher , ng First Cagayan License and Resort Corp. na nag-iisyu ng lisensiya sa mga dayuhang kompanya para makapag-operate ng online gambling, ng  Meridan Vista Gaming Corp. na pinayagang magkaroon ng jai-alai operations at illegal logging ng San Jose Lumber.

Siguradong hindi “happy” si Enrile sa takbo ng mga pangyayari kaya tiyak na nagpaplano na siya at mga kaalyado sa United Nationalist Alliance (UNA) para pahinain ang gulugod o maglunsad ng destabilisasyon laban sa admi-nistrasyong Aquino.

TUWID ANG DAAN SA JAPAN

NAGBITIW bilang gobernador ng Tokyo si Naoki Inose kamakailan dahil sa pagtanggap ng $500,000 mula sa pamilyang may-ari ng Toku-shukai medical group bago ginanap ang halalan noong nakaraang taon.

Ilang linggong pinagpiyestahan sa Japan ang nasabing isyu kaya kahit naisoli na ni Inose ang halaga sa nagbigay ay pinili pa rin niyang mag-resign sa puwesto para mailigtas sa ibayong kahihiyan ang mga kababayan at kanilang bansa na naghahanda sa pagho-host ng 2010 Olympics.

Kahit pa suportado ng Liberal Democratic Party na kinabibilangan ni Prime Minister Shinzo Abe ang naging kandidatura sa pagka-gobernador ni Inose, hindi niya ipinagtanggol ito sa kinasangkutan na eskandalo.

Kung tulad lang sana ng ugali ng mga Japanese politicial ang mga poltikong Pilipino, maa-aring hindi mahirap na bansa ang Pilipinas at taas-noo nating ipinagmamalaki na tama ang pag-luklok natin sa kanila sa puwesto.

Napabilang sa sampung pinakatiwaling lider sa buong mundo ang mga pinatalsik natin na presidente  na sina Ferdinand Marcos at Joseph Estrada, pero hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ang kanilang pamilya at mga kaal-yado ng mga bobo-tanteng Pilipino.

Madali kasing bilhin ang boto ng mga Pilipino dahil binansot ng kahirapan ang kanilang kaisipan kaya’t nawalan na sila nang pagmamalasakit sa sariling bayan.

Ngunit puwedeng magbago ito kung maipapakita ng “tuwid na daan” na ipakukulong niya ang lahat ng mga sangkot sa P10-B pork barrel scam at pagwawaldas sa halos isang bilyong pisong Malampaya Funds.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *