Monday , December 23 2024

Ramdam ba ang Pasko?

Marami sa ating mga kababayan ang hindi na nararamdaman ang Kapaskohan?

Ito marahil ay dahil sa hirap ng buhay na araw-araw na nilang sinusuong at dinaranas dahil hindi nila talaga nararamdaman ang sina-sabi palagi ng gobyerno na bumubuti na ang sitwasyon ng ekonomiya sa bansa.

Sa isang payak na pamilya sa kanayunan man o kalunsuran ay sapat nang makaraos ang isang araw nang kumakain ng tatlong beses. Iba na ang nangyayari sa kasalukuyan dahil mas nakararami ngayon sa pamilyang Pilipino ang sumasansala na ng pagkain sa maghapon.

Maging ang edukasyon ng mga paslit sa bansa ay hindi na rin naging prioridad ng pamilyang nagdarahop dahil bukod sa kulang ang ayuda ng pamahalaan ay talaga namang ang makaraos lamang sa maghapon ang naging prioridad ng pa-milyang Pilipino.

Hindi lang nagdarahop na pamilya ang nahihirapan sa ngayon dahil pasan na rin ng ma-yayaman lalo’t higit ang nasa middle class ang parusa ng mabuhay.

Patuloy ang pagtaas ng pangunahing bilihin, koryente, LPG at tataas pa ang pasahe. ‘Yan ang mga kalbaryong napala natin sa “tuwid na daan” na sinasabi ng ating pangulo.

Maganda ang konsepto ng “tuwid na daan” ni PNoy pero naging applicable lamang ito sa kanyang mga kapanalig sa partido man o sa ibang NGOs na sumuporta sa kanya noong 2010.

Kapansin-pansin na kapag kakampi at ma-lapit sa kanya ang nasasabit sa anomalya ay ang pinuno pa ng ‘Pinas ang nag-aabswelto samantala kapag hindi niya kakampi ay kinakasuhan agad.

Mga bagay na naging dahilan din ng pagbagsak ng ekonomiya at tiwala ng publiko sa kasalukuyang liderato, na dahilan ngayon ng kanilang pagpa-panic dahil patuloy at ramdam nilang bumababa na ang popularidad ng anak ni Cory at Ninoy.

Sa maikling salita, wala rin nagbago sa dusa ng Pinoy at iyan ang dapat na natin tanggapin dahil mahirap ang ngumanga na lamang sa tulong at ayuda ng pamahalaan.

Maraming nagawang maganda si PNoy sa bansa pero tao na rin ang huhusga kung sapat ba ito sa pangangailangan ng mamamayan ng estado.

Huli man ay nais ko pa rin kayong batiin ng Maligayang Pasko po sa lahat!

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *