Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magulang ni Aguilar uuwi sa ‘Pinas

DAHIL sa magandang laro ni Japeth Aguilar para sa Barangay Ginebra San Miguel, malaki ang posibilidad na babalik sa Pilipinas ang kanyang mga magulang sa susunod na taon.

Ibinunyag ng ama ni Japeth na si Peter Aguilar na nais ni Japeth na pauwiin na silang dalawa ng kanyang ina at magbitiw na sa kani-kanilang mga trabaho.

Nasa Chicago si Peter bilang manggagawa sa isang pabrika habang caregiver naman ang kanyang asawa.

“Eh medyo malamig rin dito, alam mo na. Pag nagkakaedad ka eh, hirap ka na sa ganun. ‘Yun din ang laging pinapaalala sa amin ni Japeth … kaya niya kami kinukulit.”

Sa ngayon ay kasama ni Japeth  ang kanyang kapatid na si Maika sa isang condo unit sa Taguig.

Noong araw ng Pasko ay humataw si  Aguilar ng 25 puntos, 11 rebounds at dalawang supalpal sa 97-83 panalo ng Ginebra kontra Petron.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …