Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, ‘di imposibleng masungkit ang best actress award! (Dahil sa kakaibang arteng ipinakita sa Boy Golden)

KUNG nakamit ni KC Concepcion ang best supporting actress sa nakaraang PMPC Star Awards for TV para sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala, naniniwala kaming deserving siyang manalo ng best actress ngayong gabi sa Metro Manila Film Festival awards night.

Dahil kina Direk Chito Rono at Laguna Governor Jeorge ‘ER’ Ejercito nakagawa ang dalaga ng pelikulang mag-iiba ang tingin ng tao sa kanya bilang aktres sa pelikulang Shoot To Kill:  Boy Golden mula sa Scenema Concept International at Viva Films.

Totoo nga ang sinasabi ng miyembro ng komite ng Metro Manila Film Festival na magugulat ang tao kay KC dahil sa kakaibang pag-arte niya sa pelikula.

Nakagugulat na kaya palang makipag-bed scene at kissing scene ni KC kay Governor ER at aminin mo, ateng Maricris may chemistry sila ‘di ba?

Isang dancer sa club ang trabaho ni KC bilang si Marla Dee at hinahanap niya ang ang mga taong may atraso sa kanya na ganito rin pala ang hanap ni Boy Golden kaya sila nagkasama.

Ang sexy ni KC sa pelikula, at speechless kami nang pinilit siyang pasayawin sa harap ng matabang lalaki bago siya gahasain.

Ang hot ng eksenang sumasayaw siya at tiyak na maraming lalaki ang magnanasa ngayon kay KC kaya hindi na solo ni Anne Curtis ang trono bilang pantasya ng mga kalalakihan.

Kapag may mga celebrity o baguhan pa lang sa showbiz ay si Anne ang gusto o crush nila kasi nga hot ang dalaga, pero ngayon, nakasisiguro kami, kasama na si KC sa babanggitin nila.

Sa premiere night ng Boy Golden ay dumating ang pamilya ni KC na sina Sharon Cuneta, Senator Kiko Pangilinan, at lola Elaine Cuneta at biglang kinabahan ang aktres at panay ang sabi ng,”naku po, ‘Ma (Shawie), ‘wag mong isiping ako ‘yan, ha, trabaho lang. Naku, Gob (ER), nandidiyan ang mamita (lola Elaine)s ko, lagot, ang daddy (KIko) ko, nakahihiya, work lang po, eksena lang ‘yung mga ginawa ko.”

Naiintindihan na namin kung bakit nagdayalog si KC sa nakaraang presscon ng, ”eh, ‘di mama ko na lang ang panoorin nila kung ganoon (wholesome) din pala ang gagawin ko.”

Mahirap ang papel na ginampanan niya sa Boy Golden at take note, ang galing-galing ni KC sa fight scenes na kinunan ng apat na araw at inabot sila ng 38 hours para sa eksenang ito.

Kuwento pa ng dalaga na umabot sa tatlong buwan ang training niya sa mixed martial arts para sa mga eksena at paggamit ng baril na hindi naman siya napahiya dahil pasado siya.

Kaya ngayon, may sarili ng tatak si KC at hindi mo na siya maikukompara sa nanay niya in terms of acting. Marahil ay naging challenge itong gawin ng dalaga para maiba siya sa mama niya.

Parati kasing ikinukompara ang dalaga sa Megastar at kesyo hindi siya sisikat at kung ano-ano pa, pero nagkakamali ang mga nagsabi dahil sa pelikulang Boy Golden, mahusay talaga si KC.

Kaya pala niyang maging sexy star, dramatic actress, at action star in one. Kaya nakatitiyak kaming hinding-hindi malilimutan ng dalaga ang pelikulang Boy Golden.

At totoo nga ang sinabi ni Governor ER na kapag hindi nanalo si KC bilang best actress mamaya ay tiyak na may dayaang naganap.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …