Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jokes sa Kimmy Dora: Kyemeng Prequel, pang-AB crowd

SA ginanap na special screening ng Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel noong Lunes sa Glorietta Cinema 4, isa si Direk Wenn Deramas sa invited guest ni Eugene Domingo kasama ang ex-boyfriend niyang direktor din na si Andoy Ranay.

Tawa ng tawa ang dalawang direktor habang nanonood kaya tiyak na nagandahan sila.

Tinext namin si direk Wenn kung ano ang masasabi niya sa Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel.

“Maganda, malinis, buo, mahusay si Uge (Eugene Domingo), siya dapat ang Best Actress!” sabi sa amin.

Magaling naman talaga si Uge kaya nga tinawag na siyang The Global Actress dahil ilang Best Actress awards na ang napanalunan niya sa iba’t ibang international film festival.

Nagustuhan namin ang opening ng pelikula na mala-James Bond at Quentin Tarantino (movies) ang dating at tunog dahil may mga sumasayaw-sayaw din sa background at saka ipakikita ang mga bida.

Hindi nakatatawa ang kabuuan ng pelikula, pero maraming beses ka namang matatawa at may mga eksenang matatandaan ka paglabas mo ng sinehan, hindi katulad ng ibang pelikulang napanood namin na magtatanong kami sa kasama namin ng, ”ano pa ang katanda-tandang punch line sa napanood natin?”

Walang dudang guwapo talaga ni Sam Milby sa pelikula at pero robotic pala ang papel niya kaya matigas at walang acting. Kaya pala enjoy na enjoy ang aktor sa action dahil wala siyang ginawa kundi ipakita ang skills niya sa pakikipagtunggali.

Malayo ang aktor sa naging leading men ng Kimmy Dora na sina Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes na nakatatawa at ito ang hinahanap ng tao na hindi lang kina Kimmy at Dora sila matatawa.

Bilang lang ang mga bonggang damit na ginamit nina Dora at Kimmy dahil prequel nga naman ito, kaya pati ang yayang si Moi Bien ay mukhang lumang tao rin.

Okay naman ang Kimmy Dora:  Kyemeng Prequel at ang target audience nito ay AB crowd at mangilan-ilang C dahil hindi mage-gets kaagad ni Aling Tasing sa kanto ang mga joke rito.

Ayon sa mga sumubaybay ng Kimmy Dora franchise, ”AB crowd talaga ang nakaka-aprreciate ng jokes ni Uge, hindi naman siya pang-masa at si direk Chris (Martinez), ito talaga ang crowd niya.”

Nanood din ng special screening sina Enchong Dee, Yeng Constantino kasama ang non-showbiz boyfriend na naka-bull cap, Pokwang, Slater Young, at Rachelle Ann Go.

Dumating din ang ang mommy at daddy ni Sam na umuwi ng Pilipinas galing Ohio, USA para makasama siya ngayong Holiday Season.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …