Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JLC at Angelica, inihihiwalay ang trabaho sa personal na buhay

SAYANG walang naglakas loob na tanungin si John Lloyd Cruz sa sampalan isyu nila ni Anne Curtis sa presscon ng bagong sitcom sa ABS-CBN 2 na Home Sweetie Home na magsisimula sa  January 5 after ng  Goin’ Bulilit’. Ready pa naman daw ang aktor na magbigay ng statement oras na tanungin.

Ang naitanong lang ay kung magkakaroon ba ng sampalan blues sina Toni Gonzaga at John Lloyd bilang mag-asawa sa Home Sweetie Home. Hindi naman palaging sweetness ang mag-asawa, dumarating din ‘yung time na nag-aaway, ‘di ba?

Sasampalin ba ni Toni si JLC, halimbawang mahuhuli niyang nambababae?

“Hindi ko kayang gawin sa kanya ‘yun. Mapagmahal si Julie (name niya sa sitcom), mapagpatawad, maaruga. Hindi siya gumaganoon,” mabilis na sagot ni Toni.

Payag ba si John Lloyd na pasampal kay Toni?

“Eh, kung karapat-dapat akong sampalin,” sagot ni JLC na tumatawa.

“Hindi a, mapagmahal siyang asawa rito,” sey pa ni Toni.

“Congratulations po, naipasok niyo,” sambit pa ni John Lloyd pero tumatawa.

Anyway, first sitcom ni JLC ang Home Sweetie Home. Hindi ba na-insecure si Angelica Panganiban na hindi sila nagsama sa isang sitcom lalo’t kilala si Angel na isang komedyana.

“Trabaho naman ito, eh. It’s not like na aasawahin si Toni or something. Alam naman namin kung  paano i-separate ‘yung trabaho sa personal namin, so kung anuman ‘yung nangyayari sa amin, kagaya ni Toni kung ano ‘yung personal niya, pagdating niya sa set namin, hindi ko naman naramdaman, same way na ako, ganoon din naman.

“Kumbaga, pagdating sa personal ko, hindi ko naman din itinatanong kung ano ang pakiramdam mo, may asawa na ako sa sitcom. Anong feeling mo, nainggit ka ba? Hindi, eh! Parang hindi mo siya talaga…..hindi mo siya puwedeng ihalo. Nagpapasalamat ako na I have understanding girlfriend na parehong ayaw naming..mutual ‘yung  kagustuhan namin ni Angelica na ‘wag ihalo ang personal sa trabaho. Nagpapasalamat ako na ganoon siya,”bulalas pa niya.

Kasama sa Home Sweetie Home sina Rico Puno, Sandy Andolong, Joross Gamboa, Ryan Bang, Miles Ocampo, Ketchup Eusebio, Jayson Gainza,  Mitoy Intong, Eda Nolan, at Clarence Delgado.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …