Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fajardo buhay ng Boosters

MATAPOS ang pitong sunud-sunod na panalo, abay nakalasap ng back-to-back na kabiguan ang Petron Blaze upang bumagsak sa ikalawang puwesto.

Noong Linggo ay napatid ang winning streak ng Boosters nang sila’y maungusan ng Rain Or Shine, 99-95.

At noong araw ng Pasko ay muling yumuko ang Boosters sa Barangay Ginebra San Miguel, 99-83.

Malaking bagay para sa Petron ang pagkakaroon ng injury ng higanteng si June Mar Fajardo na hindi nakapaglaro kontra sa Gin Kings. Aba’y siya lang ang absent pero dinamdam nang husto ng Boosters ang kanyang pagkawala.

Ito’y taliwas sa nangyari sa Petron Blaze sa unang bahagi ng torneo nong hindi nakapaglaro sina Alex Cabagnot, Chris Ross, Yousef Taha, Ronald Tubid at maging si Chris Lutz.

Sa kabila ng kanilang pagkawala ay nagwagi ang Boosters at nagkaroon nga ng winning streak.

Pero ngayong iisang manlalaro ang wala, aba’y tinambakan sila ng kalaban.

Ganito katindi ang halaga ni Fajardo. At para bang walang puwedeng pumalit sa kanya sa line-up ng Bosters.

Maraming dumadalangin na makabalik na kaagad sa active duty si Fajardo dahil baka magtuluy-tuloy ang pagsadsad ng Boosters. Masama iyon.

Kung sabagay, parang nakapagpondo na ang Boosters. Ang mahalaga naman ay nasa upper half sila ng  standings hanggang sa pagtatapos ng elims para sa magandang insentibo sa quarterfinals. Iwasan lang nilang bumagsak sa ikalimang puwesto kung sakali.

At siyempre, eye opener ang back-to-back na pagkatalo. Ibig sabihin ay kailangang mag-step up ang ibang big men nila kapag wala si Fajardo.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …