Ello s iyo senor H,
Npanaginip q nsa dagat aq at mrami rw pating s kplagiran, tapos ay kumikidlat dn, bkit po kya gnun ang drims ko, jst kol me sally12.045 ng pandcan,…wag u sna po lalagay cell ko, tnx!
To Sally12.045,
Nagsasaad ang panaginip mo ng galit, hostility, at fierceness. Maaaring hindi mo makontrol ang iyong emosyon at ito ay magdudulot ng problema sa iyo at sa ibang malalapit sa iyo. Maaari rin na ito’y babala sa pagdating ng mahirap, masakit, o unpleasant emotional period. Alternatively, maaari rin na ito’y kumakatawan o naglalarawan ng taong nakikita o pinaniniwalaan mong ganid at unscrupulous. Ang taong ito ay dapat iwasan dahil lahat ay handa niyang banggain at sagpangin ng walang pakundangan. Ang pating ay maaari rin namang isa sa aspeto ng iyong sariling personalidad na dapat maalis at makontrol.
Kapag ikaw naman ay nasa dagat, nagpapakita ito ng iyong unconscious at ang transition sa pamamagitan ng iyong unconscious at conscious state of mind. Nagpapakita rin ito ng iyong damdamin at kawalan ng direksiyon sa buhay, kung nakita ang sarili na palutang-lutang lang sa dagat na walang tiyak na patutunguhan.
Ang bungang-tulog naman hinggil sa kidlat ay may kaugnayan sa sudden awareness, insight, spiritual revelation, truth at purification. Alternatively, ang kidlat ay maaaring nagsasaad ng shocking turn of events. Maaari rin na nagbababala ito na may forces na nakakasakop sa iyo na maaa-ring maging destructive at mag-alis ng kontrol mo sa iyong sariling buhay. Posible rin naman na simbolo ito ng irreversible changes na mangyayari sa iyong buhay, na magiging daan upang magpabago sa iyo.
Señor H.