Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Comm. Kim Henares iimbestigahan ang “alert me, release me” modus sa BoC

MAY kakaibang bagong modus-operandi ang iniulat ng ating mga sources sa Aduana. Ito ay tungkol sa umano’y paglalagay sa alert/hold status ng mga kargamentong dumating sa pantalan ngunit sa bandang huli ay naire-release din kapag hindi na raw gaanong ‘mainit’ ang sitwasyon.

Usap-usapan rin na may nangyaring bukulan sa ilang bagong BoC Depcomm?

May galamay kasi ng mga sikat at untouchable smugglers sa Customs ang naka- ‘connect’ na umano sa  isang Customs Deputy commissioner.

Isang kaso na pinaiimbestigahan ngayon ni BIR Comm. Kim Henares ang mga kargamento ng REYNA ng PLASTIC RESIN SMUGGLING na si TINA U. o mas kilalang TINA PIDAL  at anak na si GERI U., at kapatid na si BEBANG U. na tumatayong pagador sa Customs. At si alias BIG MAMA naman ang tumayong negosyador para imaniobra ang mga kargamento ng TINA U.

Kaso, umalingasaw agad ang kawalanghiyaan nila sa Aduana, dahil matapos maalerto ang daan-daang container ni alias TINA U., ipinalabas din ng walang additional payment ng taxes matapos i-justify daw ng isang DepComm ang mababang value ng plastic resins nito.

Sanamabits!!!

Sa halip na tumaas ang buwis ay buma-ba pa raw? Sa tamang kwentada ng BOC, hindi dapat bumaba sa 200 libo ang tax na dapat binabayaran sa isang 40 ftr container.

Kung totoo man ito, ano kaya ang masasabi ni BoC Commissioner Sunny Sevilla?

Ito na nga ba ang “TUWID NA LANDAS” na nais tunguhin at tahakin ng Aquino administration sa ilalim ng pamumuno ng bagong komis-yonado ng Customs?

Iba ang sinasabi kaysa ginagawa. Sino kaya sa mga bagong customs official ang nabukulan at sino ang nambukol?

Paano kaya nila ipaliliwanag kay BIR Comm. Kim Henares ang kamalasadohang ito!?

May kasunod pa, abangan!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …