Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

15-anyos patay sa ratrat

PATAY ang isang menor de edad nang barilin ng hindi nakilalang suspek habang nakikipagkuwentohan sa kanyang mga kaibigan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ni SPO3 Rodelio Lingcong ng MPD-Homicide ang biktimang si Shown Michael Basas, 15,  estud-yante ng Raja Soliman Technological High School at residente ng 1325 Gate 7, Area A, Tondo,  habang nakatakas ang mga hindi na-kilalang suspek.

Ayon sa kapatid ng biktimang si Miguel, 19, nakikipagkuwentohan ang kanyang kapatid kina Melvin Francisco at Raffy Lubaton sa loob ng naka-park  na motor sa harap ng Gate 5, Area D, Parola Compound nang duma-ting ang mga suspek dakong 4:10 ng umaga at agad pinaulanan ng bala ang grupo  hanggang tamaan sa ulo si  Shown Michael na agad niyang ikinamatay.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …