ITO ang buntong hininga ng mga nangangambang mamamayan ukol sa breakdown ng peace and order sa bansa.
“Crime is on the march,” ‘ika nga sa Ingles at tila ang ating nababasa sa pulisya ay gagawin ang lahat para masolusyonan ang lumulubhang insidente ang big crime incidents.
Ang pinakahuling hamon sa kakayahan ng pulisya ay ang NAIA shooting sa gitna ng isang katutak na security forces, may mga aviation police, NAIA security agency (sino kaya ang may-ari ng agency na ito na tiyak na malakas sa mga opisyal ni P-noy)at iba’t ibang security for-ces. Tapos dito pa sa NAIA mismo nangyari ang ambush slaying ng isang mayor ang Zamboanga del Norte.
Sa aking pagkakatanda tila pangalawa lang ito sa ambush killing incident sa vicinity ng airport,very busy at that. Ang una ay ang pagpatay kay dating Mayor ng Masbate sa Region V (Bicol) noong Martial Law. Pero ang nasabing airport walang comparison sa NAIA. Itong killing sa NAIA airport happened in broad daylight. Riding in tandem ang mga salarin. Iyon kay Espinosa siya ay pinagbabaril habang naglalakad na sa runaway mula sa Manila-Masbate bandang alas-siete ng umaga. Politika ang dahilan.
Noon naman ambusin ang kotse ni dating Bise Presidente Emmanual Pelaez ng Cagayan de Oro City sa kasagsagan ng gulo ukol sa coco levy fund, pinagbabaril ang sasakyan ni Mr. Pe-laez. Isang miliagro ang nangyari. Nabuhay siya.
Habang dinadala si Bise Presidente sa emergency room ng isang opspital sa Quezon City, dumating si dating hepe and Northern Police District chief na si oolice General Tomas Karingal (the police Camp Karingal was named in his honor), nabanggit ni Pelaez ito: “What’s happening to our country general?” Hindi nagtagal mismong si Gen. Karingal ang pinatay sa sarili iyang teritoryo.
Ang pagkakaiba lang ngayon, walang araw na hindi nagkakaroon ng major, major crime tulad ng armed robber sa mga mall (mga jewelry shops) breakin sa maraming malalaking bahay sa sikat na subdivision na tila wala pang mga solusyon ngayon. Dahil hindi halos nasosolus-yonan.
Kaya naman tinaguriang “the second most dangerous place” ang pinaka-dangerous sa mga media people sa Syria. Samantala.hindi pa nga gumagaling ang taguring “worst airport in the world – ang NAIA, handito na naman ang krimen na dapat ikahiya ng mga awtoridad.
Kailan kaya magpapaikot ng mga ulo ng mga opisyales sa Manila International Airport. Kung hihintayin natin baka tapos na si P-noy pulos ali-bi pa rin.
Ano bang lugar ang safe sa mga nabanggit na mamamayan? Sagutin lang ito ng mga kinauukulan.
Ang alibi walang pagkaubos.
Arnold Atadero