Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Torohan sa Kyusi, sakit ng ulo ni Gen. Benjie Magalong

NANANAWAGAN na ang ilang NGOs at religious groups sa Quezon City sa director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si P/Dir. Benji  Magalong kaugnay ng ilang club sa siyudad na gabi-gabi ay nagpapalabas ng ‘live show’ o ‘torohan’ na pugad din ng prostitusyon.

Isang alyas “Tepang,” na dating pulis,  at sya rin ang kapustahan ng isang  EDITOR  IN  CHIEF national  “TABLOID “ para sa weekly payola ang daming bukol nyan  sa Kolumnista hek! Hek! Hek! Hek!

Si TEPANG ang itinuturong protektor ng mga nasabing beerhouse na front ng putahan sa Cubao area.Hindi kaya sumasakit ang ulo ni PNP-QCPD Director Gen. Richard Albano?

Tama ba  FM mariano?  hek! hek! hek!

Naniniwala naman tayo na hindi kukunsintihin ni Gen. Albano ang kamalasaduhan nitong si Tepang matapos magbigay ng standing order si NCRPO chief Gen. Valmoria na linisin ang Cubao sa kalaswaan at bentahan ng laman.

‘E mukhang wala naman takot si MARLON “ Jigs” Servillion at Bebe Marcelo kay Gen.Valmoria?

Gen. Valmoria,panahon nang sibakin ang hepe ng QCPD Station 7 at Station 10 na kapwa inaakusahang patong sa mga bugaw at putatsing club sa ilegal na operasyon ng mga club na ito dahil regular ang weekly tongpats sa kanila ng grupo ni Tepang.

Karamihan sa mga babaeng inaabuso ng klab at sauna bath ay mga menor-de-edad pa. Humingi na ng ayuda si Gen. Albano sa Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) para maisalba ang mga batang kababaihan na biktima ng sex trafficking.

Ilan sa mga beerhouse at sauna bath na na nasa ‘watchlist’ ngayon sa CIDG-AOCD ay ang IDOL, Bartolina at Takusa night clubs na nasa Cubao; Mettalica at Marinara sa Quezon Avenue;Paradise sa Quirino Highway; Superstar sa Commonwealth Ave.; Georgetown sa Mindanao Ave.;Imperial Sauna Bath;Classmate at Kremlin Sauna Bath, pawang nasa kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City.

At ang pinakamatindi,ang club na nasa ground floor ng Sir William Hotel Timog QC.Basta nagkaayusan sa presyo ay bibigyan ka na ng susi ng kuwarto sa Sir William hotel sa itaas at kasunod na ang bebot na nakursanadahan mo.

Gasgas na nga daw ang pangalan ni ES OCHOA at MAYOR BISTIK  sa pagyayabang ng bugaw/manager na si Bong na kasosyo daw sila sa club na ‘to.

Malaswang Sinehan

ni Henry Lao

PATULOY ang pamamayagpag ng pitong bulok na sinehan saMaynila at Quezon City kung saan ay lantaran ang ginagawang kangkangan ng mga taong nasa loob nito.

Hindi matinag ang operasyon ng mga sinehang ito ni alyas Henry “Boy” Lao dahil timbrado ito sa mga pulis at ilang city hall officials ng Maynila at QC, partikular sa Business Permit and Licensing Office o BPLO.

Isa sa mga notoryus na sinehang ito ni Lao ay New Alta Cinema sa kanto ng Harvard St. at Aurora Blvd. sa Cubao. Ilang beses na itong ni-raid ng mga otoridad pero muling nakapagbubukas matapos na palitan ang pangalan ng may-ari sa record ng BPLO. Pero ang totoo ay si Boy Lao pa rin ang may-ari nito.

May mga ganitong sinehan din si Lao sa C.M. Recto Ave. at Quezon Blvd. sa Maynila. Karamihan ng mga pumapasok dito ay mga bading umuupa ng mga call boy para sa quikie sex.  ABANGAN!!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag txt sa 09196612670 / 09167578424  sa  sumbong o reklamo o mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …