Monday , December 23 2024

Smuggler ‘Tina Pidal’ naghatag ng P100-M sa bagong BOC exec

KUNG inaakala ng publiko na epektibo ang isinasagawang reporma sa Bureau of Customs (BOC) para purgahin ang talamak na katiwalian sa ahensiyang ito ay nagkakamali tayo.

Katunayan, patuloy ang pamamayagpag ng mga smuggler sa pa-ngunguna ni Tinayupak Pidal, ang tinaguriang reyna ng plastic resin smuggling sa Customs.

Kamakailan, may mga broker na hindi nakatiis ang nagsumbong sa National Bureau of Investigation (NBI) para hilingin na imbestigahan ang kanilang kabuktutan.

Hinihiling nila sa NBI na imbestigahan ang kumakalat na balitang isang bagong opisyal sa Customs ang tumanggap ng halagang P100 milyon upang bitiwan at palusutin ang 1,800 containers ng plastic resin ni Aleng Tina.

Ito raw ang dahilan kaya hindi na pinapa-alert ng nasabing bagong opisyal ang mga nilalakad na kargamento ni Aleng Tina at ng kanyang mga alagang broker.

Ang smuggling ng plastic resin ay exclusive na imbudo ni Aleng Tina at ang sinomang magtatangkang magparating ng nasabing produkto ay tiyak na itinitimbre pa nito sa kadikit niyang opisyal sa Customs para ipahuli.

Ang nabanggit na opisyal ay sinasabing ‘allergic’ sa bugging device at ipina-inspeksiyon ang kanyang buong tanggapan sa pangamba na mabuko sa kanyang ‘operation’ matapos mapabalitang may nakapagsumbong na raw sa Palasyo na sa loob lamang ng 1 buwan sa Customs ay nakapag-ipon na siya ng hindi bababa sa halagang P300 milyon.

Ito kaya ang naging batayan ni Pangulong Benigno Aquino III kaya hindi siya naitalagang commissioner kasunod ng pagbibitiw ni Ruffy Biazon sa puwesto?

Samantala, si Aleng Tina ang dating alaga ng mag-utol na Vicky at Tom Toh na malapit kay dating FG Mike Arroyo noong panahon ni GMA.

Noong panahon ni GMA, ipinagyayabang ni Aleng Tina na siya ang laging chaperon at taga-gastos sa mga pinamimili ng maybahay ni Mikey Arroyo kapag nagtutungo sa Hong Kong upang mag-shopping.

Ngayon, gamit naman ni Aleng Tina ang pa-ngalan ng isang presidential relative ni PNoy na dating mambabatas bilang padrino sa kanyang smuggling activities sa Customs.

Ipinagmamalaki ni Aleng Tina na malaki ang kanyang puhunan sa presidential relative dahil siya umano ang kasa-kasama at gumagasta para sa pagpapagamot nito sa Europa.

SEGURIDAD SA NAIA 3, PALPAK

SI Manila International Airport Authority (MIAA) GM Jose Angel Honrado ay nalusutan naman ng nag-iisang gunman na pumatay sa apat na katao sa NAIA Terminal 3 kamakailan.

Bukod sa walang kahirap-hirap na nakapasok sa compound ng paliparan ang armadong salarin, mabagal rin ang pag-responde ng santambak na guwardiya at pulis at wala palang CCTV camera na nakalagay sa paligid ng Terminal 3 kaya hindi naidokumento ang krimen.

Kung ultimo mga sari-sari store at maliliit na establisimyento ay inoobliga na maglagay ng CCTV camera bago bigyan ng business permit ng mga munisipyo at city hall, bakit sa NAIA Terminal 3 ay wala?

Nawala na ba lahat ang military background ni Honrado kaya balewala na rin ang aspeto ng seguridad sa kanyang bakuran?

Saan napupunta ang ibinabayad na airport tax at terminal fee na araw-araw ay ibinabayad ng mga pasahero?

MULTI-BILYONG PISONG REHAB

FUNDS, LIGTAS BA KAY LACSON

ISA tayo sa nagulat sa mga ibinulgar ni Atty. Rodel Rodis, isangFil-Am lawyer sa kanyang column sa isang pahayagan kamakailan hinggil sa mga kuwestiyunableng yaman ng retirado rin na heneral, dating senador at ngayo’y ‘rehab czar” Panfilo Lacson sa Amerika.

Ayon kay Rodis, bagama’t hindi tumanggap ng pork barrel si Lacson bilang senador ay nakapagtataka naman kung saan nanggaling ang mga ari-arian at pera nila ng asawang si Alice sa US mula pa noong dekada ’90.

Kabilang sa mga binanggit ng Fil-Am lawyer ang bahay ng senador sa 1011 Laguna Seca Loop sa Chula Vista, California na binili noong March 1, 1996 at ipinagbili noong Hulyo 20, 1999.

Nagkaroon din aniya ng property ang senador sa 2305 Sea Island Place sa Chula Vista at dalawang bank account sa Bank of America na noong 1996 na may laman na $178,544.88.

Habang may dalawang account sa Bank of America ang esposa niyang si Alice na noong Enero 8, 2001 ay may laman na $356,464.54 at itinayo rin ang kumpanya na “Orient Light, LLC” na may Wells Fargo Bank account na may depositong $200,098 hanggang noong Abril 2001.

Naukilkil ni Rodis ang mga nasabing detalye bilang abogado niBlanquita Pelaez na naghabla kay Lacson sa America dahil sa hindi pagbabayad ng 15% balance sa  Smith & Wesson sa mga posas na binili ng Philippine National Police (PNP).

Pinagbayad ng $38,000 si Lacson batay sa civil judgment at maaaring umabot sa $100,000 ang ibinayad ng dating senador sa Cardoza law Offices sa US na humawak sa kanyang kaso ng dalawang taon, sabi ni Rodis.

Kung ganito kalaking halaga ang salaping napaikot ni Lacson sa Amerika kahit “pork-less senator” siya, paano pa kung ipagkakatiwala sa kanya ang multi-bilyong piso na rehabilitation funds?

FPPC COUNTRYSIDE PRESS

CONGRESS, SA ENERO NA

IPINAGPALIBAN sa Enero 15-18,2014 ang Countryside Press Congress sa pagdiriwang ng Federation of Provincial Press Club of the Philippines, Inc. (FPPCP) mula sa orihinal na petsang Disyembre 5-8, 2013 dahil pananalasa ng bag-yong Yolanda sa Aklan.

Gaganapin pa rin sa Aklan State University at Boracay Island ang 4-araw na convention na dadaluhan ng 150 participants mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang FPPC ay itinatag ng mga beterano at yumaong journalists sa bansa, sa pangunguna nina Ka Blas F. Ople at Ka Doroy Valencia.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga nais lumahok sa conference secretariat: 09491294777; Johnny Nunez 09984716476; Andy Vital- 09155354006; at kay Joseph Punay sa 09083060206.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *