Friday , November 15 2024

“Si ang basura”

So Joseph also went up from the town of Nazareth in Galileo to Judea, to Bethlehem the town of David, because he belonged to the house and line of David. He went there to register with Mary, who was pledged to be married to him and was expecting a child.—Luke 2:4-5

DESMAYADO pala ang mga dumalo sa ipinatawag na pagdinig nitong Biyernes sa Manila City Council tungkol sa reklamong irregularidad na pamamahala ni Dr. Benjamin Tayabas, officer in charge ng Universidad de Manila (UDM)

Dahil imbes mapunta ang tema ng imbestigasyon laban kay Dr. Tayabas sa UDM, ay na-tuon ito at sinisisi sa mga nagrereklamo sa opis-yal.

***

ANG resulta, nag-walk out ang mga faculty, employees at students sa hearing na binuo ng Committee on Education na pinamumunuan ni 6th District Councilor Leilani Marie Lacuna.

Sumbong nila, pinaghintay sila nang matagal, ginutom tapos bandang huli nang umpisa-han ang hearing ay nilait, hiniya at binastos lamang ang mga nagrereklamo laban kay Dr. Ta-yabas.

Susme, nakaka-demoralize talaga!

***

KAYA nagpasyang umalis na ang abogado ng mga nagrereklamo, sabi nila useless ang hearing ni Councilor Lacuna.

Tangi nilang matatakbuhan ngayon ay ang Office of the Ombudsman, ito ang tamang venue upang malitis nang tuluyan si Dr. Tayabas.

PERO alam n’yo ba kung sino ang tumayong “legal counsel” ni Dr. Tayabas sa nasabing hearing? Walang iba kundi ang kapwa niya na heart by-pass patient na si Councilor Bernardito “Bernie” Ang ng 3rd District.

Ipinagtanggol ni Coun. Ang ang mga banat laban kay Dr. Tayabas, kaya natural, nauwi lamang sa moro-moro ang imbestigasyon.

Sarap mo kurutin Konsehal!

PADRINO NI DR. TAYABAS

TEKA, sinasabing si Coun. Ang, ang nagrekomenda kay Pangulong Erap para ma-ging Pangulo ng UDM.

Kung ganoon, tama lamang proteksyonan ni Konsehal si Dr. Tayabas, e,  siya pala ang nagpasok dito.

Sabi nga, kapwa ko corrupt ko, este mahal ko!

***

KUNG ganoon din, tamang sabihin may basbas pala ni Coun. Ang ang mga iregularidad ni Dr. Tayabas sa UDM, kabilang ang pagbebenta ng entrance examination sa mga non-Manila re-sidents upang makapasok sa UDM.

Hindi kaya may “share” din si Kon. Ang, sa mga nakukuha ni Dr. Tayabas mula sa pondo ng UDM?

Oooops, nagtatanong lang po!

SA totoo lang mga kabarangay, natatakot ako kay Dr. Tayabas, ang kanyang padrino ay Si Kon. Ang na ilang beses nang na-stroke at nga-yon ay naka-wheelchair na lamang kapag dumadalo sa session ng Konseho.

Gayon din naman si Dr. Tayabas ay katatapos lamang dumaan sa heart by-pass operation sa PGH. Kung idol ni Dr. Tayabas si Konsehal Ang, lekat, baka pati paggamit ng wheelchair ay gayahin din niya.

Same feathers flock together!

***

KAYA naman umani ng batikos sa social networking site ang inasal na ito ni Kon. Ang. Makikita ito sa mga facebook account ng mga alumni ng FB na may hastag na #evictcouncilorbernieang.

Sa mga nagnanais na maglahad ng komento, magpunta lamang sa nasabing fb account at isigaw ang tunay ninyong damdamin laban sa naturang konsehal!

Lord,  save the UDM!

BELATED HAPPY

BIRTHDAY MAYOR LIM!

BELATED happy birthday nga pala kay Ma-yor Alfredo Lim nitong nagdaang Sabado, Dis-yembre, 21.

Hindi na natin itatanong ang kanyang edad, dahil wala naman sa numero ang kahalagahan nito, kundi paano niya ginugol ang panahon ng kanyang pamumuhay.

***

SI Mayor Lim na halos kalahati ng kanyang edad ay inilaan niya  sa pagseserbisyo-publiko, mula sa pagiging bantog na pulis-Maynila, NBI Director, Mayor, Senador, Sekretaryo ng DILG  at muling nakabalik sa pagka-Alkalde ng Maynila nitong 2007.

Sa ngayon ay nanatiling masigla si Mayor Lim, kahalubilo ang kanyang mga malalapit na kaibigan, mga nakaaalalang opisyal ng city hall at iba pang mga kaibigan nasa kanyang panig, kabilang ang close-aide security sa mahabang panahon na si ret. Col. Francisco “Caloy” Baltazar. Matapos magsimba sa Sto.Nino Church sa Tondo, nagkaroon ng munting salo-salo sa kanyang ancestral house sa Asuncion Street.

Mula po sa amin sa Samahan ng Punong Barangay sa Maynila (SPBM) Maligayang kaarawan, Mayor Lim!

MALIGAYANG PASKO

MGA KABARANGAY!

SA walang sawang sumusubaybay sa ating kolum sa dalawang pahayagan, Police files tonite, tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes at sa pahayagang Hataw Dyaryo ng Bayan tuwing araw naman ng Lunes, Martes at Huwebes, hangad namin ang masagana at mapayapang Pasko ngayong taon.

Sa kabila ng mga naranasang delubyo, tuloy pa rin ang pasko sa ating bayan, dahil ito ang araw ng pagdiriwang ng pagsilang ng ating tagapagligtas na Panginoong Hesuskristo.

Joy to the World!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *