Monday , December 23 2024

PNoy hinamon ng naulilang anak ni Talumpa (Hustisya sa magulang)

122313_FRONT

MATAPOS ihatid sa huling hantungan si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa, ang alkaldeng pinaslang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Biyernes, may binitiwang hamon ang anak niyang si Rayamm kay Pangulong PNoy .

Ngayong ulila  na sa mga magulang sina Rayamm Talumpa, mariin niyang hinamon ang Punong Ehekutibo na mabigyan ng hustisya ang marahas na pagkamatay ng kanilang mga magulang.

Sa Muslim rites, Sabado ng tanghali, inilibing sa Upper Sangan, Labangan ang mayor, pati ang misis at pamangkin nitong biktima rin sa pamamaril.

Ani Rayyamm Talumpa, dapat maresolba ni PNoy ang krimen sa lalong madaling panahon.

Una nang inihayag ni Rayyamm na politika ang nakikita niyang motibo sa insidente.

Samantala, inilipat sa iba’t ibang ospital ang limang sugatang biktima. Stable na ang kanilang kondisyon kabilang ng 3-anyos na si Diana Uy.

Ayon sa Task Force Talumpa, nagsisimula na silang mag-imbestiga sa ilang personalidad na posibleng may kaugnayan sa krimen. Pinakamatimbang din sa ngayon ang anggulong politika at droga.

Teorya pa ng task force, mula rin sa Zamboanga del Sur ang gunman.

Dahil walang nakuhang CCTV sa airport, umaapela ang awtoridad sa kung sino ang may video o kuha ng insidente nitong Biyernes na maa-aring magbigay linaw sa krimen.

Sa mga susunod na araw, inaasahang ilalabas na ang composite sketch ng mga suspek.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *