Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBA veterans may exhibition game sa Korea

MAGKAKAROON ng exhibition game sa pagitan ng North Korean team at NBA veterans sa susunod na buwan.

Kaya naman nagpa-tryout ang dating NBA star Dennis Rodman para sa NK team.

Ayon kay Hall of Famer, tuloy ang laro sa Enero 8, bagama’t ilan sa 12 Americans na gusto niya sa team ay takot pumunta sa Korea.

“You know, they’re still afraid to come here, but I’m just telling them, you know, don’t be afraid man, it’s all love, it’s all love here,” ani Rodman sa The Associated Press pagkatapos ng tryouts sa Pyongyang Indoor Gymnasium.

Humihitit ng tabako si Rodman habang pinanood ang ilang local players na nag-tryout.

Sinabi naman ni Rodman na magbibigay ito ng bagong pares ng tennis shoes sa players na mapipili.

Makakalaro ng dating NBA players ang mga North Koreans sa first half, bago pagsasama-samahin ang teams sa second half.

“It’s not about win or loss. It’s about one thing — unite two countries,” ani pa ni Rodman.

ni ARABELA PRINCESS DAWA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …