Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance Raymundo, patuloy sa pag-arangkada ang acting career!

NAGING magandang taon ang 2013 para sa actor/singer na si Lance Raymundo.

Maraming movies ang ginawa si Lance this year, kabilang dito ang psycho thriller  na Babang Luksa, Aninag, Direk Ato Bautista’s Alaala ng Tag-ulan, at ang Tinik ni Direk Romy Suzarana kapwa para sa Sineng Pambansa.

Ngayon ay ginagawa naman ni Lance ang pelikulang Gemini ni Direk Ato Bautista. Isa itong psycho-triller na muling magpapakita sa kakayahan ni Lance bilang actor. Sa pagkakaalam ko ay may special role rin siya sa pelikulang Mumbai Love na pinagbibidahan naman nina Kiko Matosat Solenn Heussaff.

Bukod sa marami siyang pelikulang ginawa this year, sinimulan na rin ni Lance ang kanyang unang stage play via Solo Para Adultos mula PETA na tinatampukan din nina Niño Muhlach, Gwen Garci, Althea Vega, at iba pa. Mapapanood na this 2014 ang naturang sex-comedy play.

Nakasungkit din si Lance ng ilang awards sa papatapos na taon. Last October, kabilang siya sa awardees sa Gawad  Musika Awards kasama sina Sarah Geronimo, Pilita Corrales, Elizabeth Ramsey, Ronnie Liang, Teejay Marquez, at ang Four Tenors. Pinarangalan dito si Lance ng Most Outstanding Performance Artist 2013.

Masayang ipinahayag nga ni Lance na, “I’m glad that even if I have not been active as a singer in recent years, because of my acting career, my achievement as a singer si still recognized. So, it’s inspiring to know that I still do have a place in the music industry.”

Then last month naman ay nanalo si Lance sa Festival of Short Films na tinatawag na Bidyo na ginaganap yearly sa Miriam College. Ang entry niya rito ay pinamagatang Unsung Hero at leading lady niya rito ang former Star Circle at Big Brother housemate na si Brenda Fox.

Nang usisain ko pa siya kung next year ba ay mas magiging active siya sa music kaysa sa movies dahil nabalita niya sa amin ang Love & Fascination-Wolf sound album niya, plus ang gagawin niyang music video, sinabi ni Lance na mas magfo-focus pa rin siya sa acting.

“Acting pa rin, ‘coz dito ako talaga nakatutok ngayon. But it’s nice to know that singing is still welcoming me with open arms. Actually, that’s why I got the Performance Artist Award, because of my credentials as an actor, singer, host, etcera,” nakangiting saad pa ni Lance.

My Little Bossings at Girl Boy Bakla Tomboy,  maglalaban  sa takilya!

WALANG dudang ang maglalaban sa pagiging numero uno sa takilya para sa 2013 MMFF ay angMy Little Bossings at Girl Boy Bakla Tomboy. Given na ito dahil sa mga bituin ng dalawang pelikula at sa tema nito na comedy. Ang una ay tinatampukan ni Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, at Bimby Yap. Ang ikalawang movie naman ay pinagbibidahan ni Vice Ganda, times four dahil sa quadruplets ang papel niya rito.

Siyempre, kapag panahon ng Kapaskuhan ay gusto ng karamihan ang tumawa at maging masaya. Kaya lamang ang My Little Bossings at Girl Boy Bakla Tomboy sa puntong ito.

Ang isa pang tradisyon kapag MMFF ay ang horror movie, kaya pasok naman dito ang Pagpagnina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.  Sa aking palagay ay magiging number three ito sa box office.

Sa mga mahilig naman sa aksiyon, hindi dapat palagpasin ang Boy Golden:  Shoot To Kill nina Laguna Governor ER Ejercito at KC Concepcion. Ang pelikulang ito ay isa sa una naming panonoorin ngayong MMFF. Base sa teaser nito, tila mas matindi sa aksiyon ang movie’ng ito ni Gov. ER kompara sa 2011 MMFF entry niyang Asiong Salonga na nagustuhan din namin nang husto.

Sa pangkalahatan, sana ay tangkilikin ng lahat ang mga pelikulang entry sa MMFF para laging maging masigla ang industriyang ito.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …