Monday , December 23 2024

JM de Guzman babawi sa 2014

MALAPIT nang lumabas si JM de Guzman sa rehab. At ang maganda kahit wala na sa Star Magic si JM ay may manager naman ang actor na tumututok ngayon sa kanyang career. At ang good news para sa fans ni JM ay may offer na raw para sa kanya na galing sa mahusay na director ng Kapamilya network na si Ruel S. Ba-yani. Wala pa raw silang alam sa alok kung mo- vie ba ito o TV project, ang importante ay hindi pa rin nakalilimutan ng industriya ang actor na nagbida sa “Angelito Ang Batang Ama” na talaga namang pumatok sa televiewers. May nakita ka-ming bagong larawan ni JM sa Facebook at kitang-kita na mukhang naka-move on na ang binata sa nangyari sa kanila ng ex-girlfriend na si Jessy Mendiola. Multi-talented actor si JM, ma- husay syang umarte at kumanta kaya may puwang pa rin ang tulad niya sa industriya. Sana mabigyan pa uli siya ng isa pang pagkakataon ng Kapamilya network lalo’t dito siya nagsimula at naririto rin ang mga tagahangang nagmamahal sa kanya.

Sana naman gyud!

ANNA DIZON NAPAGSASABAY ANG TIME SHARING SA RESORT AT PAGPAPADALA NG SKILLED WORKERS SA ABROAD

May bagong business venture si Anna Dizon ang time sharing na inline sa kanyang Club Villa Anna International Holidays Inc., sa Oriental Mindoro. Naimbitahan kami sa launching nito sa sosyal na Penthouse office ni Anna sa Emerald Bldg diyan sa Ortigas Center, Pasig City. Bukod sa inyong columnist, isa sa naimbitahan sa event ay si Lhar Santiago ng GMA 7 na nagkaroon ng one on one interview kay Anna para sa showbiz segment sa Unang Hirit. Ang latest sa singer businesswoman ay naghahanda na sa kanyang pagbabalik recording kaya nag-iipon na sila ng materyales para sa gagawing CD Lite album na ire-release next year. By the way, masaya si Anna dahil marami na silang inquiries sa kanilang time sharing at may ilan na rin bumili nito na affiliated sa globally famous na Resort Condominium International. Of course natututokan pa rin ni Anna ang kanyang International Agency na ATD kung saan marami silang hiring ngayon for Libya. Sa mga kababayan nating walang mga trabaho at gustong subukan ang kanilang suwerte sa abroad, naghahanap ng operators (dozer, gra-der, loader, roller, excavator, crusher plant, asphlt plant, concrete batching plant, paver, crane). Mechanics (heavy equipment, truck,autos). Laboratory Technicians (QC/QA soils, concrete, asphalt). High Voltage Electricians, Electronics. Lathe Operators, Auto Electricians, Drivers. Oilers, Tire Fitters, Welders, Masons, Plumbers. Carpenteres, Painters, Plasteres, Steel Fitters, Tile Fitters. Engineers, Administrators, Surveyors, Store Keepers. Autocad, Operators, IT Technicians. Cooks, Asst. Cooks, Laundry, Ironing. Waiters (18-30 years old). Managerial & Supervisory Position (35-40 years old). Bale 2 years ang contract ng makaaalis na posibleng ma-renew depende sa inyong performance. Sa lahat ng mga applicant narito ang mga requirement na dapat ninyong i-provide 4R Whole-body(2 pcs) and 2by2 picture (6 pcs), Resume, Passport at NBI. Punta na sa ATD International Servi-ces and Training Center Inc., sa Unit 11-B Gloria Bldg. No. 157 A. Bonifacio Ave. cor Pag-asa St., and Agudo St. Quezon City nasa tapat lamang sila ng Bonifacio Market. Puwede rin kayong mag-fax ng inyong application sa 355-9180 o kaya ay mag-email sa [email protected]

DAAN-DAANG RESIDENTE SA DAO, CAPIZ NAKATANGGAP NG BIYAYA SA BARANGAY BAYANIHAN NG EAT BULAGA

Hindi lang sa Tacloban City at Samar Leyte tumutok ang Eat Bulaga para sa pamamahagi nila ng relief goods sa kanilang malawakang Barangay Bayanihan. Libo-libong residente mula sa lugar na ito na mga survivor ng bagyong Yolanda ang napagkalooban ng Eat Bulaga ng mga pagkain, gamot at damit. At sa DAO, Capiz naman daan-daang mga Dabarkads na nabiktima ni Yolanda ang nakatikim rin ng biyaya mula sa numero unong noontime variety show ng bansa. At napatunayan ng programa na sa Bayanihan nilang ito ay marami ang sumuporta sa kanila. Alam naman kasi ng lahat ng mga tumulong na makararating ang kani- lang mga donasyon lalo na’t sa Eat Bulaga nila ipinadala. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagpapadala ang EB Dabarkads sa mga kababayan natin ng relief goods na malaking tulong sa lahat lalo na sa mga batang kailangan ng makakain.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *