MANILA’s Finest kung tagurian noon ang Manila Police District (MPD).
Walang malalaking kaso noong araw na kapag nahawakan ng MPD ay hindi nalulutas.
Kaya nga maraming bagitong pulis ang nangarap na mapabilang sa MPD at masanay sa ilalim ng pamumuno ng mahuhusay na imbestigador at operatiba.
Ganoon din naman, maraming opisyal ng pulisya ang nangangarap na pamunuan ang MPD dahil karagdagan itong karangalan sa kanila.
Kaya naman nagulat tayo nang mabalitaan natin na mayroong dalawang ULALONG pulis ang nagbarilan at napatay pa ang isa dahil NAGKABUKULAN umano sa RECYCLED na DROGA.
Aba naman, MPD DD General Isagani Genabe, mukhang mayroon kang ‘MALALANG’ problema d’yan.
Nag-RESHUFFLE ka ng mga station commanders dahil kamo sa hindi matigil-tigil na ‘KOTONGAN.’
Ilang linggo ka nang nag-RESHUFFLE pero lalo pang TUMINDI ang pangongotong ng mga lespu.
Ngayon naman, dalawang bagitong pulis mo ang nagbarilan dahil nagkabukulan sa ‘itinulak’ na kompiskadong shabu.
Bagito ‘yan ha, pero ‘TAHIRAN’ sa paggawa ng katarantaduhan.
Sonabagan!!!
Nakikita ka b a talaga ng mga pulis mo, General Genabe?!
Baka naman kasi mas madalas ka pa sa Manila City Hall o sa Sta. Mesa kaya ‘feeling’ ng mga lespu mo ‘e wala silang DISTRICT DIRECTOR.
Hindi man lang ba nangilag sa iyo ang mga pulis mo gaya niyang sina PO1 Anthony Alagde (RIP) ng Manila Police District – Special Operation Unit at PO2 Jugiex Quinto ng MPD-District Anti-Drug Intelligence Division?
Aba ‘e, napakalakas naman ng loob nilang ‘MAGTULAK’ ng kompiskadong shabu?
Tingin ko ‘e hindi na lang ‘KAHIRAPAN’ o maliit na sweldo ang isyu rito.
Mayroon nang problemang MORAL ang mga LESPU mo General Genabe.
Aba ‘e isyu na ng COMMAND RESPONSIBILITY ‘yan. Sa palagay mo ba ay mayroon ka pang MORAL GROUND para pamunuan ang MPD?!
Huwag mo nang hintayin na maindulto ka pa General.
Dapat siguro ‘e pangunahan mo na ang pagre-RESIGN bilang district director ng MPD bago ka pa mabansagan ‘worst MPD director!?’
‘Yan naman ay kung may delicadeza ka lang Sir…
PLAYING ‘DIFFERENT COLORS’ SI REP. ZENAIDA ANGPING
SA uri raw ng politika sa bansa, ang unang dapat na katangian umano ng mga POLITIKO, e ‘yung maging eksperto sa ‘paglalaro ng iba’t ibang kulay’ at ‘lumangoy nang mabilis’ kapag malapit nang lumubog ang isang barko.
At d’yan tayo napapahanga ni Madam Rep. ZENAIDA ANGPING ng 3rd district ng Maynila.
Aba ‘e nakita n’yo ba ang napakalaking retrato sa Malakanyang nang pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang 2014 national budget minus the PORK BARREL?!
Nakita n’yo naman na halos gusto na nyang tumabi kay PNoy at ang haba at ang laki ng ngiti ni Madam Angping.
‘E kung hindi tayo nagkakamali, ganyan din ang kostumbre niya noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Lagi rin siyang ‘dumadalaw’ sa Malacañang at pirming nakadikit kay PGMA.
Hindi ba nga’t na-appoint pa ang kanyang esposo na si Harry Angping sa Philippine Sports Commission!?
Kahit itanong n’yo pa kay Madam Amelita Villarosa.
Sa mga OKASYON naman ni Mayor Erap ngayon, madalas rin makikita si Madam Angping at napakalakas pang PUMALAKPAK. Abot-abot din ang kanyang NGITI.
Hehehehe …
Ang galing-galing mo naman Madam!
TRAPONG-TRAPO ang arrive mo … minsan naman magpa-DEMURE ka naman.
Masyado kang HALATAIN ‘e!
IO SOLOMON STRIKES AGAIN!
MATAPOS natin banatan sa nakaraang kolum natin si Immigration Officer (IO) Solomon Delos Trinos dahil sa kanyang panghaharabas umano sa mga Bombay at mga Intsik, heto at may balita na naman na sa Antique kumana ang hinayupak!
Isang report ang ating natanggap na namataan si IO Solomon sa Antique at hina-harass ang ilang shipping agent at kapitan ng mga barko na nag-o-operate sa Semirara islands na nasasakupan ng nabanggit na probinsiya.
Gusto raw hingan o tarahan ng tulisan ang mga barko na dumaraong at nagkakarga ng coal dito.
Ang Semirara Island ay nasasakupan ng BI-Iloilo District Office, so anong papel at ginagawa ni IO Solomon doon gayong ang assignment niya ay sa BI- Calapan Mindoro!?
Mukha yatang walang sinasanto si IO Solomon at pati si BI OIC Fred Mison ay hindi niya kinatatakutan?
Ang sabi ng ilang taga-BI main office baka naman may basbas si IO Solomon sa BI-OCOM kaya ganoon na lang katapang ang apog niya?!
BI-OIC Fred Mison, mukhang may sinasandalan diyan sa OCOM si IO Solomon Delos Trinos kaya malakas ang loob na sumuway sa utos mo?
Kailan mo ba kakalusin ang lokong si Solomon, Sir Fred!?
STALL OWNERS NA APEKTADO NG RENOBASYON SA NAIA T-1, MAKABALIK PA KAYA?
MARAMI ang natutuwa dahil sa wakas ay matutupad na rin ang rehabilitasyon at renobasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Hanggang ngayon ay hindi makaalpas ang NAIA Terminal 1 sa imahe na isa sa ‘worst airport’ in the world dahil sa mga pasilidad na hindi na naayos gaya ng comfort rooms, dilapidated ceilings, leaking from roof to pipes, uncomfortable lounge for the tourist and local passengers at marami pang iba.
Isa raw sa major component ng construction ay remodelling ng mga food stalls sa NAIA T-1 Departurearea after Immigration kaya inabisohan na ng Manila International Airport Administration (MIAA) ang food stall owners na kailangan nilang i-vacate ang kanilang mga pwesto hanggang Disyembre 31 (malapit na po) upang huwag daw maabala ang gagawing konstruksiyon ng Department of Transportation and Communication (DOTC) bilang paghahanda sa Asia Pacific Economic Cooperation summit on March 2015.
Ang tanong, ANO NAMAN ANG MANGYAYARI after renovation?!
Makababalik pa ba ang dating stall owners?!
Ansabe, magkakaroon daw ng bagong BIDDING sa mga interesadong concessionaires…
Okey naman daw ang mga stall owners na magkaroon ng panibagong bidding.
Ang ipinag-aalala lang daw nila hindi kaya MAKOPO ng KAMAGANAK INC., o ng mga KAMAGANAK ni KUMANDER ang bidding?!
Let’s just wait and see.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com