MAKIKIPAG-USAP ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa NCAA at UAAP para ayusin ang iskedyul ng high school basketbal sa susunod na taon upang makapaglaro ang mga batang kasama sa RP Youth Team na sasabak sa FIBA Under-17 World Championship sa Dubai sa susunod na taon.
Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na may una na silang pag-uusap ng mga kinatawan ng dalawang liga tungkol sa bagay na ito at inaasahang tatalakayin ito ng kani-kanilang mga lupon pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.
“We tackled it at the board level, so hindi lang ito basta discussions between Boss MVP (Manuel V. Pangilinan) and me,” wika ni Barrios sa panayam ng www.interaktv.ph. “We brought it to the board and we also asked their approval. Everybody was supportive of the idea to propose to the UAAP and NCAA to have their high school basketball games be moved to the second semester.”
Nakuha ng Pilipinas ang karapatang sumali sa World Championship pagkatapos na nasungkit nito ang ikalawang puwesto sa FIBA Asia Under-16 Championship noong Oktubre.
Positibo ang dating komisyuner ng PBA na sasang-ayon ang dalawang liga sa hiling ng SBP.
“Because this is the World Championship level, I believe everyone will be supportive of the idea to avoid conflict in the national team’s participation. Magiging katawa-tawa naman tayo if hindi natin maipapadala yung best high school players natin dito,” ani Barrios.
(James Ty III