ANG #3 Star ay bibisita sa Southeast area ng inyong tahanan sa 2014, kaya ito ay magiging challenging feng shui bagua area. Ang enerhiya ng star na ito ay may kaugnayan sa mga hindi pagkakasundo at argumento, kaya tiyaking batid kung paano aarugain ang Southeast bagua area sa 2014 upang maiwasan ang ano mang negatibo sa mga relasyon.
Ang elemento ng visiting star ay Wood, at ang elemento ng Southeast ay Wood din, kaya naman ang malakas na Wood energy ay nagiging negative star. Dahil ang Fire at Metal ay mga elemento na nagpapahina sa Wood sa feng shui ele-ment cycle, kailangan na mag-focus sa pagpapalakas ng dalawang elementong ito sa Southeast area ng 2014. Pahihinain nito ang Wood energy ng visiting star kaya manu-neutralize o mapahuhupa ang ne-gative effects nito.
Narito ang ilang tips para ma-neutra-lize ang challenging 2014 Southeast feng shui energies:
*Ang malakas na Fire element decor ay inirerekomenda rito sa 2014. Mag-lagay ng dekoras-yon sa red and purple colors, maglagay ng mga kandila at bright lights, triangular shape items, etc. Kung wala sa mga ito ang nababagay sa specific Southeast area, maaaring ilagay ang red co-ver books. O palitan ang lampshade ng bright red one, bumili ng mga unan na pula ang kulay, etc.
*Iwasan ang Water at Wood elements sa erya na ito sa 2014, ibig sabihin ay limi-tahan ang strong presence ng colors blue, black, green at brown. Tiyaking iwasan din ang paglalagay ng dekorasyon na may actual items ng mga elementong ito, halimbawa, malalaking halaman (Wood) o malaking salamin (Water).
*Ang presensya ng Buddhea ay excellent feng shui cure sa erya na ito na magpapakalma sa enerhiya ng 2014 na naririto sa bagua area na ito.
*Iwasan ang malalakas na ingay, TV o computer sa area na ito. Sikaping magkaroon ng balanse kung ang Fire ele-ment sa dekorasyon ay masyadong malakas, ngunit huwag titindihan na posibleng magdulot ng pag-init ng ulo, mga argumento, etc.
Lady Choi