Monday , December 23 2024

Punla sa mabatong lupa (Part 27)

NAAGAW NI EMAN ANG BARIL NI APO HAKHAM SABAY TUTOK SA LEEG NITO

Nakatimbuwang na sa kwartel ang naliligo-sa-dugong bangkay ng walong magkakaril-yebong bantay sa koprahan, nangamatay sa palo ng matitigas na pambambo at talas ng talim ng itak at wala na sa mga kamay ang mahahabang baril na palaging hawak.

Sa garahe ng mansion, talab na talab na kay Eman ang epekto ng nasinghot na droga. Bukod sa paglakas ng katawan at pagiging matatag ng kalooban laban sa takot ay tumalas pa ang kanyang pandinig.  Kaya naulinigan agad niya ang yabag ng mga paang patungo ng garahe. Mabilisan siyang nagbalik sa dating lugar na kinalugmukan. Umarte siya na mistulang naka-gapos pa ang kanyang mga kamay sa likuran.

“Ito ba ang lider ng grupong gustong kumalaban sa akin?” bungad ni Apo Hakham sa tonong mapanindak.

“Makamandag ang utak nito, Sir … At marami nang napasasakay sa kanyang kalokohan,” sabi ni Kirat patungkol kay Eman.

“Ex-boyfriend mo, di ba?” baling ni Apo Hakham sa katabing si Jasmin.

Nakilala agad ni Eman ang may-ari ng tinig na sumagot ng “Matagal na ‘yun…”

Marahan siyang nagmulat ng mga mata. Nakatunghay sa kanya ang dating kasintahan na walang inihahayag na anumang ekspresyon ang mukha.  Nakapagpalit na ito ng bagong damit. Suot nito ang imported na maong at T-shirt. Nakasombrero ng katad katulad ng kay Apo Hakham.

“Kapag nag-alsa laban sa akin ang mga trabahador sa ating lupain ay maaapektuhan n’yon nang malaki ang kabuhayan natin. At sa oras na mapatay o mabihag ako, tapos ang lahat-lahat sa atin. Pati kinabukasan ng mga anak natin ay madadamay… wasak!”  sabi kay Jasmin ni Apo Hakham.

Ibinangon si Eman ni Kirat. Pabagsak si-yang iniupo nito sa bumper ng kotse. Naggroge-grogehan siya. Kunwa’y nagagapos pa rin ang kanyang mga kamay. Nakapokus ang paningin niya sa baril na nasa bewang ni Apo Hakham.

“Sir, bago namin tinigok ‘yung binatilyo, e, napakanta muna namin,” pagmamagaling ni Kirat sa katabing amo.

Napangisi si Apo Hakham: “Mahusay ba namang singer?”

“Sir, ang galing!” sambot ni Kirat, nanulis sa pagkimbot ang mabuhok na  nguso. “Kaya nga nakalawit namin ang dapat kalawitin.”

Bigla na lang inundayan si Eman ng malakas sa sampal ni Apo Hakham. Pero nakailag siya. Sabay sa  mabilis na pagyuko ay inagapan ng kanang kamay niya  na maagawan ito ng baril sa bewang. At itinutok niya iyon sa ulo nito habang sakal sa leeg ng kaliwang bisig niya.

“Sabog ang bungo nito ‘pag kumilos kayo ng masama,” pagbabanta niya sa pangkat ni Kirat. “Ibaba n’yo ang mga baril…”

Natulala ang mga bayarang goons.

“Patay na kung patay!”  pagdidiin ni Eman sa dulo ng baril sa ulo ni Apo Hakham.   “Ano? Susunod kayo o hindi?”

Tinanguan ni Kirat ang mga tauhan bilang senyas nang pagsang-ayon nito sa pagsusuko ng armas. Ito ang unang naglapag sa hawak na armalite. (Subaybayan)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *