Sunday , December 22 2024

Pulis-Intel tigbak sa tandem

NAKAALARMA man ang krimen sa Metro Manila makaraang ma-ambush ng riding in tandem ang tauhan ng Pasig-PNP, isang araw matapos patayin ang  alkalde ng Zamboanga del Sur at 3 iba pa, isa pulis ang itinumba sa tapat mismo ng kanilang bahay sa Pasig City.

Kinilala ang biktimang si SP03 Graciano Dolosata, 55- anyos, naka-assign sa Intelligence Unit ng Pasig City Police, nakatira sa Brgy., Bambang, sa lungsod.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek na ang isa ay naka-bonnet at naka-sombrero naman ang drayber ng motorsiklong walang plaka. Sa imbestigasyon ng pulisya,  dakong  7:00  ng umaga kalalabas lang ng bahay ng biktima para pumasok sa trabaho nang lapitan ng 2 katao sakay ng motorsiklo sa Brgy., Bambang saka pinagbabaril.

Nang matiyak na patay na ang target, agad tumakas ang mga suspek. Bagama’t may CCTV camera sa pinangyarihan, malabo ang kuha ng footage nito.Nagsasagawa na ng follow-up operation ang awtoridad at inaalam  ang motibo sa pamamaslang.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *