PINAPUPURSIGE ng gobyerno ang mga business establishment na maglagay ng CCTV camera sa loob at labas ng kani-kanilang tanggapan.
Pero ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, na pintuan ng bansa sa mundo, ay wala palang CCTV camera! My goodness!!!
Department of Transportation and Communucations (DOTC) Secretary Jun Abaya, Sir, P20K lang po ang isang medyo quality CCTV na may apat na camera. Hindi ba kayang bumili ng NAIA kahit isa para malagyan ang bay loading ng NAIA 3?
Saan napupunta ang milyones na koleksyon araw-araw sa terminal fee ng mga pasahero d’yan, Sec. Abaya?
Umaalma kayo kapag binabatikos ng mga turista ang ating mga paliparan sa bansa na “worst airport” e totoo naman!
Kung hindi pa na-ambush at napatay sa loob mismo ng pasilidad ng NAIA T3 ang alkalde sa Zamboanga del Sur at ang misis at pamangkin, hindi pa mabubuking na wala palang CCTV camera ang bay area ng airport na ‘yan!
At bakit walang mga guwardiya at airport police sa bay areas? Nasaan sila nang oras na ma-ambush ang alkalde at ang pamilya niya?
Bakit mabilis na nakatakas ang mga suspek na riding in tandem? Ibig sabihin, maluwag ang security, walang pulis!!!
Sec. Abaya, Sir, palagay ko ay dapat mo nang palitan ang General Manager mo d’yan na si Jose Angel Honrado. Period!
Pangungurakot
ng PPA sa Bataan!
– Mr. Venancio, report ko itong grabe nang pangungurakot ng taga-PPA dito sa Lamao, Bataan. Tuwing may barko or tugboat na dadaong dito sa pier, naniningil sila ng P100 every 6 hours. Ang naniningil ay sina Sir Raul at Sir Eric pati ang guwardya dito. Kahit na nagbabayad ang opis namin ng usage fee every day aysinisingil parin kami nitong dalawang buwaya kapag sila naka-duty. Sana maibunyag nyo ito, Mr. Venancio, dahil ginagawa na kaming palabigasan ng mga korap na PPA at guwardya dito araw-araw. Huwag nyo lang po ilathala ang numero ko. Suki ako ng diyaryo nyo. – Concerned seaman
MASA (Manila City Hall
Police Detachment)
sobrang pahirap sa vendors
– Mr. Venancio, pls don’t publish my number. Mag-classmate ang anak natin sa Letran. Report ko lang itong tungkol sa MASA (dating City Hall Police Action o CHAPA). Sobrang pahirap sila ngayon sa mga vendor. At take note nagdalawang grupo sila. Kaya halos walang kinikita ang vendors, lahat ng benta napupunta sa mga tong! Isa sa mga kolektong nila nagngangalang “Bulag”. Grabe na po talaga ang kotongan nangyayari ngayon sa Maynila. Kanino pa kami magsusumbong kung mismong mga “bata” ni Mayor Erap ang mga nangongotong? Kaya sa media nalang kami tulad nyo, Mr. Venancio, namin ipinararating ang aming mga hinaing at sama ng loob. Salamat po.” – Vendor
Reklamo sa Sgt. Yabut,
Guadalupe, Makati City
– Mr. Venancio, report ko dito sa Sgt. Yabut, Guadalupe, Makati City, ang daming tambay na snatchers, holdaper at tulak ng shabu. Nakakaperwisyo sila sa mga bumibili, takot kasi sila baka paglabas ma-snatch or maholdap. – Concerned
Tanod na tulak
sa Gagalangin, Tondo
– Report ko po ang isang barangay tanod dito sa Pag-asa st., Gagalangin, Tondo, Manila na tulak ng shabu. Lantaran magbenta sa kabataan. “Botchok” ang kanyang pangalan, kasama niya tulak din si alyas “Pusa”. – 09296838…
Sakop siguro ito ng MPD-PS1 o MPD-PS7. Mga boss, paki-check lang po ng detalye.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio