PATULOY na pag-angat sa standings ang target ng nagtatanggol na kampeong Talk N Text sa pakikipagtunggali nito sa Air 21 sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 5:15 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Pagbangon naman buhat sa magkasunod na kabiguan ang nais ng Meralco at Barako Bull na magkikita sa ganap na 3 pm.
Ang Tropang Texters ay may 5-2 karta matapos ang magkasunod na tagumpay kontra Rain Or Shine (90-87) at Barako Bull (87-80) .
Nagbida sa magkasunod na panalo ng Talk N Text sina Ranidel de Ocampo at Jayson Castro.
Nakakatulong nila sina Kelly Williams, Larry Fonacier, Harvey Carey at Danny Seigle.
Mami-miss ng Tropang Texters ang point guard na si Jimmy Alapag na mayroong straigned groin muscle. Magbabalik si Alapag sa laro nila kontra Petron sa Disyembre 29.
“We’re in a roller coaster ride. There’s something we need to fix but I’m glad that we’re still able to win,” ani TNT coach Norman Black.
Ang Air 21 ay nasa dulo ng standings at may iisang panalo sa walong laro. Matapos na tambakan ng Express ang Barako Bull ay natalo sila sa Petron Blaze (90-88) at Barangay Ginebra (78-69).
Ang Energy ay pinamumunuan nina Asi Taulava, Nino Canaleta, Mark Cardona at Joseph Yeo.
Ang Meralco ay may 3-5 karta at galing sa magkasunod na talo buhat sa Petron Blaze (77-83) at Alaska Milk 91-82).
Patuloy na hindi nakakalaro sina Kervy Raymundo at Cliff Hodge para sa Bolts na pinangungunahan nina Gary David, Mike Cortez, Reynell Hugnatan, Jared Dillinger at John Wilson.
Matapos namang magwagi sa unang dalawang laro ng torneo ay nakalasap ng anim na sunod na talo ang Barako Bull na bumagsak sa ikasiyam na puwesto.
Ang Energy ay sumasandig kina two-time Most Valuable Player Willie Miller, Ronjay Buenafe, Rico Maierhofer, Mick Pennisi at Dorian Pena.
Sabrina Pascua