Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, balik-comedy matapos magbakasyon

BALIK si Maricel Sorianosa comedysa bago niyang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Hindi na bago iyan kay Marya dahil kung natatandaan pa ninyo, kabilang sa pinaka-malalaking hits na ginawa niya noong araw ay ang mga comedy film.

Kung natatandaanninyo, matagal din namang namayani sa takilya ang mga comedy ng tandem nila noon ni Roderick Paulate. Tapos nga niyon, nalinya na nang nalinya si Maricel sa drama, habang ang iba namang mga artista ginagaya ang style niya sa comedy. Pero puwede ba namang malampasanangoriginal?

Topbillingsi Maricelsa kanilang bagong pelikula.Natural naman iyon dahil siya ang pinaka-senior sa kanilang lahat, bukod pa sa katotohanang siguro nga siya iyong may pinakamataas na naabot ang career. May panahon na itinuturing si Maricel na isa sa mga superstarng pelikula at telebisyon. Matagal nga lang siyang nagbakasyon sa kanyang career.

Iyon namantalaga angmadalas na nagiging problema ng mga artista eh. Dahil sikat sila, masyadong mataas ang demand sa kanila, ang mga producerna mismo ang nagtataasngkanilang talent fee para huwag na silang gumawa pa ng pelikula sa iba.Tapospagdating ng araw, maiisip nila na masyadong malaki na ang talent fee ng isang artista, ang pagagawin na nila ng pelikula ay iyong mga baguhan naman para makatipid sila.

In the meantime, naka-istambay naman sa kanila iyong talagang mas sikat na artista para saluhin sila kung sakaling palpak ang kanilang mg eksperimento.Ganyan ang nangyari kay Maricel eh.

Dumating din naman sa buhay niya iyong nagkaroon siya ng mga personal na problema, kaya nga minabuti munang Diamond Star na magpahinga sandali.Ngayon nagbabalik na naman siya sa pagiging aktibo sa kanyang careerat sa palagay namin makababalik siya sa rati niyang status bilang artista.

Mahirap magpakalat-kalat

ANG biruan ngayon, mahirap iyong pakalat-kalat ka sa kung saan-saan, baka mabili karin at ang marinig mo na lang ay, ”I can buy you.I can buy all your friends”.

Nang may mag-deny nga ng mga tsismis, ang isinagot naman ng mga nagkakalat niyon sa internet,” kaya nga nag-deny eh, nagkabilihan na”.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …