Saturday , November 23 2024

Lady Gaga Nagdodroga para makalimot

AYON kay Lady Gaga, gumagamit siya ng marijuana para ‘makalimot’ na siya’y sikat.

Nag-open up ang 27-anyos na singer kung bakit siya nagdodroga. Sinabi niya ito sa British talk show host na si Alan Carr para ihayag kung ano ang epekto ng ‘damo’ kapag hinihithit niya ito.

“Ang bagay na kinagustuhan ko dito ay talagang nakali-limot ako sa kasikatan ko,” paliwanag ni Gaga, na ang tunay na pangalan ay Stefani Joanne Angelina Germa-notta.

“Isang hithit lang at parang 17-anyos akong muli—suot ang puti kong gogo, naghahanap ng trabaho at nakalalaya ang aking pakiramdam.”

Tinanong din  siya ni Alan kung humahagikgik siya o ginaganahang kumain kapag nakakahithit, at inamin ito ni Gaga.

Ang pangu-ngumpisal ng sikat na mang-aawit ay kasunod ng pag-amin din niyang nakaka-15 ‘spliff’ siya sa isang araw matapos na maoperahan siya sa balakang.

Pinanindigan ni Gaga ang kanyang kakaibang pag-uugali at ‘openness’ sa panayam ni Alan. Inihayag din ng eccentric na singer ang kanyang pagsuporta kay British Olympic swimmer Tom Daley, na kamakailan ay nagsabing nakikipag-date sa isa ring lalaki.

Habang hindi lalahok si Daley sa Russian Winter Olympic Games sa susunod na taon, tinukoy ni Gaga ang atleta nang ipaliwanag niyang mali sa kanyang pananaw ang pagtatanghal ng event sa nasa-bing bansa. Una rito ay ipinasa ng Russia ang batas na nagbabawal sa homosexual ‘propaganda,’ na ang ibig tukuyin ay ilegal na magsalita ng depensa sa karapatan ng mga bakla, o gay rights.

“Ikinalungkot ko ang nararamdamang sakit ng gay kids na nasa Russia, at para sa mundo para ipa-dala ang kanilang pinakamahuhusay na atleta sa Olympics. Maling-mali ito at nakalulungkot. Excited sana akong makita ang mga katulad ni Tom Daley na lumahok at magwagi at magdiwang dito,” ani Gaga.

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *