Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amit reyna sa 10-ball

SINARGO ni Rubilen “Bingkay” Amit ang 7-2 panalo laban kay Angeline Magdalena ng Indonesia upang tanghaling reyna sa women’s singles 10-ball ng 27th Southeast Asian Games na ginaganap sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Binawian ni reigning WPA women’s 10-ball champion Amit si Magdalena na tumalo sa kanya sa 9-ball finals upang ilista ang pang 26 na gintong medalya ng Pilipinas sa nasabing biennial meet.

“Talagang gusto kong manalo this time because of what happened the first time we met. Parang gigil ako noon,” patungkol ni Amit kay Magdalena nang magharap sila sa 9-ball. “After that, nag-pray ako and naging more calm naman.”

Hawak ng tubong Cebu na si Amit ang unahan matapos ang seventh rack, 6-1 at sa ninth frame tinapos ng Pinay cue artist ang laban.

Dinaanan muna ni Amit sina Nywe Hlaing, 7-1, ng Myanmar sa quarterfinals at Huyen Thi Ngoc 7-1 ng Vietnam sa semifinals bago ito tumumbok sa gold medal match.

May pagkakaton sanang mag all-Pinay finals subalit binigo ni Magdalena si Iris Rañola sa semis.

Bago naka-entra sa semis si Rañola, pinagpag nito sa quarters si Thandar Maung, 7-2 ng host country.

Sa laban ni Rañola kay Maung, muntik nang mag collapse ang Pinay pagkatapos ng pitong laro kung saan lamang ang Pinay 5-2.

Bago sargohin ang rack eight nagpunta si Rañola sa comfort room upang magsuka.  Pagkatapos ng laban ay tumuloy ito sa clinic ng billiards hall ng Wunna Theikdi Stadium kasama ang kanyang coach na si Efren Reyes para magpahinga.

Sa initial diagnosis ay stress ang sanhi ng kanyang panghihina at pagsusuka.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …