Friday , November 15 2024

Ubod nang dilim ng buhay ng mga Pinoy sa @#$%^&*()! Meralco

 

P-Noy,  “the people are sovereign.” Ang taumbayan ang dapat maghari at masunod,  hindi ang ganid at ang mandarayang Meralco.

Narito po bayan ang mga kawalanghiyaan ng buwitreng ganid na Meralco, noon pa man, nang ito’y pag-aari pa ng ngayo’y bilyonaryong pamilyang Lopez.

Balik-tanaw po tayong mga pinindeho at patuloy na pinipindeho ng milyon-milyong mga konsyumer  ng Meralco.

Taon 2007, buwan ng Enero, P026.14 centavos/kwh ang kanilang @#$%^&*()! dagdag na singil sa power generation charge. Mantakin po ninyo bayan, hayup na anim na porsyento ang babawiin noon kuno ng @#$%^&*()! hinayupak na Meralco sa ating mga konsyumer, noon ‘yon.

Dahil hindi raw nila nasingil mula pa noong taon October 2006. Bukod pa sa dati nang sinisingil ng mga salot na charges ng Meralco, na sila lamang ang nakaiintindi. Sobrang kalbaryo ang mga katarantaduhang ito ng Meralco sa sambayanang Filipino. Dapat gisahin din sa kumukulong mantika ang hinayupak na energy regulatory commission sa pagbibigay pahintulot sa @#$%^&*()! kapritso ng demonyongMeralco.@#$%^&*()! nilang lahat. Mga salot!

Noong taon 2005, buwan ng nobyembre, patong-patong na kalbaryo ang sinapit ng apat na milyong konsyumer sapagkat 42.78 centavos/kwh ang itinaas nila sa singilin sa koryente. Katwiran ng mga ulol na Meralco sa NPC lamang daw mauuwi ang dagdag na singilin. Ito na naman ngayon. Ito ang ibinunga ng mga maanomalyang onerous contract na independent power producers na produced & directed by Fidel Valdez Ramos na matagal nang  dapat kasuhan ng pandarambong. Dahil top grosser si FVR sa pandarambong ng mga ari-arian ng sambayanang Filipino. Pwe!

Katulad din po ito noon ng ginawang panloloko ng @!#$%^&*()! Meralco na tayo palang mga konsyumer ang nagbabayad ng kanilang @#$%^&*()! buwis, imbes mga Lopez.  Kundi pa naglabas ng kautusan ang Korte Suprema na ibalik ang P30 bilyong piso na dinugas sa atin, hindi pa mabubuko ang mga kawalanghiyaan ng @#$%^&*()! Meralco.

Cash na dinugas sa atin, hulugan nang ibalik. Magkano ang tubo ng P30 bilyong piso kung tutuusin? Pindeho-berdadero pa rin sa tubo ang mga konsyumer ng demonyong Meralco. Taong bayan ang may-ari ng Meralco, hindi ang pamilyang Lopez. Hirap na hirap ang mga konsyumer sa mga salot na charges at mga recados na ipinapataw ng @#$%^&*()! Meralco.

Now the people knew,  kung gaano noon kawalanghiya ang pamilyang Lopez, kapag isyu ng koryente atbp ang pag-uusapan. Kapag consumer ang nagnakaw ng koryente, kulong, kapag Meralco ang nandugas, refund, @#$%^&()! ‘yan.

May katwiran ang dating Chairman Manuel Morato, sa kanyang abot-abot na pagsisisi. Na kundi niya pinirmahan ang noo’y sequestered ng gobyerno na ABS-CBNChannel-2, disin sana’y taong bayan ang nakikinabang dito, kasama ang Ch-4, Ch-9 at Ch-13. Na lingid sa kaalaman ng sambayanang Filipino na ang ABS-CBN 2 pala ay dating pag-aari natin, ng sambayanang Filipino, kasama na rito ang @#$%^&()! ganid na Meralco. Pwe!

Ang pinakamasakit, mahapdi, makirot na dagok sa ating mga konsyumer ng koryente ang salot na Meralco. Ang implementasyon ng universal charges na masahol pa sa PPA at tinatawag nilang unbonding charges na sila ang nakaiintindi ng mga @#$%^&*()! at kaputa-putahang salot na ina ng mga @#$%^&*()! charges. Ang tarantadong ERC ang nagtakda at nag-apruba ng lahat ng ipinapataw na charges sa lahat ng gumagamit ng elektrisidad. Ganoong sa dugo’t pawis ng taong bayan nanggaling ang suweldo nila. Mga hudas!

Ang universal charges ay isang salot na likha ng mga mandarambong na mambabatas, na nagpasa ng EPIRA Law. Silang @#$%^&*()! ang nagbenta sa taong bayan ng 3 taon singkad mula 2005 hanggang 2007.

Ito’y obligadong binayaran natin sa ayaw natin o sa gusto sa @#$%^&*()! Meralco. Ipapasa at sisingilin sa lahat ng end-users bawat butas ng distribution sa loob ng 3 taon singkad.

Ang mga hudas na mambabatas ang nagbenta sa taong bayan para maisabatas ang EPIRA Law sa halagang P500 libo, o kalahating milyong piso, bawat isa, na ibinulgar ng dating party-list na si Congressman Rene Magtubo. Mas masahol pa kay hudas na ibinenta ang ating  Panginoong Jesus sa halagang 30 pirasong pilak. Iyong isa’y naging, Supreme Court Justice, na si Dante Tinga, isang tarantadong kagalang-galang din na lumikha ng batas na oil deregulation law ni Tabako, ama ng salot na IPP at PPA at lahat-lahat na maanomalyang transaksyon sa Filipinas, kaya naghihirap ang sambayanang Filipino. Si FVR na dapat makulong noon pa dahil sa mga kasong pandarambong. Pwe!

Ang mga hudas na mambabatas din ang nagpasa ng mega-prankisa ng Meralco noong kasagsagan na nalilibang sa panonood ng telebisyon ng US-Iraq war ang sambayanang Filipino. Pinagsamantalahan, ginahasa ang taong bayan, sa pag-apruba ng mega-prankisa ng pamilyang Lopez noon, ang Meralco. Putang ina nilang lahat!!

Ang IPP na pag-aari ng pamilyang Lopez na matagal nang binabayaran ng mga konsyumer, may koryente man o wala ay ang Quezon Plant, First Gas Corporation at ang San Lorenzo Power Plant. May liwanag at sobra-sobrang liwanag ng tarantadong pamilyang Lopez hindi ang sambayanang Filipino. Pwe!

Itong @#$%^&*()! P42 bilyon pagkakautang noon ng Meralco sa NAPOCOR, e sa atin po binawi at ipinataw, tubong-lugaw po bayan, iginigisa tayo sa sariling mantika. @#$%^&()! Nilang lahat. Ang mga @#$%^&*()! hudas na mga mambabatas na nag-apruba noon ng extension ng mega prankisa ng Meralco, ang dapat sunugin nang buhay. Sila ang mga hudas sa bayan.

Bayan, ito po ang mga kawalanghiyaan noon ng @#$%^&*()! Meralco. Nakipagkontrata ang Meralco sa NAPOCOR na ang mga independent power producers o IPP ang ginagarantiyahan mapagkalooban ng minimum na babayaran bawat buwan, para sa kabawian ng halaga ng investment, ‘di mabawasang halaga para sa operasyon at pagmamantina ng power station at base rates at para variable cost ng operation, maihatid man o hindi sa publiko ng Meralco at NAPOCOR, ang na-generate na koryente na tinatawag nating take or pay.

Onerous contract po ito. Sobra ang pagnanakaw ng Meralco. Agrabyado ang gobyerno ng mamamayang Filipino.

Dapat lamang kolektahin ang higanteng utang-inang ‘yan ng Meralco sa Napocor P42 bilyon. Walang dahilan para patawarin ng taumbayan ang ganid na Meralco sapagkat cash na nakolekta ito sa consumers.

Abner Afuang

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *