Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zambo mayor, 3 pa itinumba ng ‘pulis’ sa Naia (4 sugatan)

122113_FRONT

PATAY ang Zambo del Sur mayor at kanyang misis, at dalawang iba pa, habang apat ang sugatan sa pananambang sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, dakong 11:15 Biyernes ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni MIAA GM Jose Angel Honrado, sa pagharap nito sa media ilang minuto matapos ang insidente.

Kabilang sa mga napatay si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa at asawang si Lea Talumpa.

Bukod dito, patay rin ang isa pang hinihinalang kaanak ng mga Talumpa, na kinilalang si Salipudin Talumpa, 25-anyos at ang 18-buwan gulang na si Philip Tomas Esquesta.

Ang apat na sugatan na hindi pa pinapangalanan  ay dinala sa Villamor Airbase hospital para obserbahan at bigyan ng pangunang lunas.

Naganap ang insidente sa pagitan ng loading bays 1, 2, at 3 paglabas sa arrival ng NAIA Terminal 3.

Ang alkalde ay mula Zamboanga sakay ng Cebu Pacific flight 5J 852.

Hindi pa tukoy kung ilan katao ang mga suspek na ayon sa unang ulat ay kalibre .45 ang ginamit n armas.

Inamin ni Honrado na walang closed circuit television (CCTV) camera sa nasabing lugar pero nakunan umano sa cellphone video ang mga suspek.

Dalawa sa mga suspek ang nakasuot ng uniporme ng pulis at nakamotorsiklo, na tinangkang habulin ng mga awtoridad.

Sinabing mayroon mga saksi ang awtoridad kabilang ang ilang empleyado ng paliparan.

Unang nakatanggap ng distress call ang lahat ng security personnel ng terminal at pinareresponde sa lugar dahilan upang agad makordonan ang pinangyarihan ng krimen.

Nabatid na si Talumpa ay dalawang beses nang pinagtangkaang tambangan.

Nalampasan niya ang mga tangkang pagpatay  noong 2010 at grenade attack noong 2012, sumugat sa isang pulis, kabilang bang dalawang pedestrian at isang 3-taon gulang batang  babae.

Noong 1983 pinaslang ang ama ni Pangulo Noynoy na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., sa tarmac ng dating Manila International Airport (MIA) – kaya ipinangalan sa kanya ang paliparan noong maging pangulo ang biyuda niyang si Corazon Aquino.

HATAW News Team

NAIA AMBUSH KINONDENA NI PNOY

MARIING kinondena ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang pamamaril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 na ikinamatay ng apat katao.

Kasama sa apat na namatay ang Labangan, Zamboanga del Sur mayor, isang 18-month old baby, at lima pa ang sugatan.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, iniatas na ni Pangulong Aquino ang hot pursuit operations laban sa mga suspek.

Ayon kay Coloma, magpapatupad ng kaukulang security measures para matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan lalo ngayong holiday season.

“As directed by the President, PNP is conducting hot pursuit operations against suspected assailants. We condemn this blatant act of violence that has killed an innocent bystander and imperiled the safety of citizens in the airport. The government will adopt necessary measures to ensure the citizens’ safety especially during this holiday season,” ani Coloma.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …