Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tuloy pa rin ang Pasko sa Gandang Ricky Reyes

KAHIT ano mang kalamidad o pagdarahop ang maranasan ng mga Pinoy, tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pasko o kapanganakan ni Baby Jesus.

Isang buong taong umaasa at naghihintay ang mga bata sa pagdating ni Santa Claus kaya, “Tuloy pa rin ang Pasko.  May kanya-kanyang paraan ng pagdiriwang ang mga tao. Naniniwala sila na ang okasyo’y ‘di lang para sa mayayaman kundi pati sa mahihirap din,” sabi ni Mader Ricky.

Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado, 9:00 a.m. ay itatampok ang mag-inang Millie at Karla. Good Samaritans ang dalawa na ibinabahagi ang kanilang Noche Buena sa isang pamilyang nakita lamang nila sa lansangan.

Mala-Santa Claus naman si Mader Ricky na dumadalaw sa bahay ng mga mahihirap at namumudmod ng mga pagkaing pang-Noche Buena.

Isang Kapuso na may cancer at nagpapa-chemotherapy ang sosorpresahin ng GRR TNT. Sa iniregalong peluka na yari sa tunay na buhok ng tao’y goodbye sa pagkakalbo at hello sa bagong anyo ang maysakit. Malaki ang pasasalamat niya kay Santa Mader RR.

Walang pagsidlan ang kaligayahan ng mga batang maysakit na nanunuluyan sa CHILDHAUS nang saluhan sila ng kanilang mga donor at sponsor (na tinatawag nilang Ninong at Ninang) sa isang merienda cena kamakailan. Bumaha ng regalo mula sa mga mabubuting tao para sa mga bata, guardians at volunteers sa CH.

Hangga’t may mga ginuntuang puso sa mundo ay tuloy talaga ang Pasko. Mula sa staff at crew ng GRR TNT, isang Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …