MARAMING dahilan kung bakit napakasama ng simula ng SanMig Coffee sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup.
Biruin mong nakalasap muna ng tatlong kabiguan ang Mixers bago ipinoste ang unang panalo kontra Air 21. At pagkatapos niyon ay dumanas ulit sila ng dalawang pagkatalo bago nalusutan ang Barako Bull.
Kung titignang maigi, ang mga teams na tinalo nila ay yung palaging nasa ibaba ng standings at parang kayang-kaya nila. Pero hindi naman talagang inilampaso ang Express at Energy kungdi bahagyang nalusutan lang.
Uncharacteristic ito para sa isang koponang nagkampeon sa torneong kalilipas lang. Ang Mixers ang nagtagumpay sa Governors Cup ng nakaraang season.
So, mataas ang expectations sa kanila.
Pero masama nga ang naging umpisa.
At iyon ay dahil sa injuries sa key players. Bunga nito’y napuwersang pahingahin agad ang mga rookies na sina Ian Sangalang at JR Cawaling. E nagkaroon pa ng injury ang baguhang si Justin Melton a. Hindi din masyadong nagamit ang rookie na si Isaac Holstein.
Mahirap taagang manalo kapag kulang ang piyesa.
Pero ayon kay coach Tim Cone ay hindi nila napag-uusapan ang kakulangan. Kasi, ang lagi niyang inuukilkil ay ang piyesang mayroon sila na puwede pang gamitin. Ayaw daw nilang humanap ng dahilan.
Sa totoo lang, nag-eeksperimento pa nga si Cone. Kung minsan a hindi sila nag-eensayo ng basketball at sa halip ay naglalaro ng bowling. Kumbaga’y nais niya na mag-bonding ang mga manlalaro niya iupang malimutan ang kabiguan at mag-focus sa hinaharap.
Malayo pa naman ang dulo ng elims, e. At dalawa lang naman sa sampung teams ang malalaglag kaagad. So puwede pang humabol ang Mixers.
Na inaasahan naman ng lahat na mangyayari!
***
Belated happy birthday kay Chairman Bado Dino ng Lico St . na nagselebra kahapon, December 20. Ang pagbati ay nagmula sa sports editor ng Hataw na si Alex Cruz at mga kasamahan nila sa jogging sa Chinese Cem.
Alex Cruz