Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MJCI kailangan humingi ng tawad kay Mayor Abalos!

Natapos na ang isinagawang imbestigasyon ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa insidenteng  kinasangkutan ni Hagdang Bato, na ikinatalo nito sa nakaraang PCSO  Presidential Gold Cup noong Disyembre 1 sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at  napatunayan sa imbestigasyon na nagkaroon ng pagkukulang ang Manila Jockey Club Inc. (MJCI).

Subalit parang natapos ng wala lang sa MJCI ang nangyaring insidente na  hindi man lamang humingi ng tawad sa publiko ang management at pangasiwaan ng SLLP.

Hindi lamang nagkamali ang MJCI kay Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos   Jr.,higit sa lahat sa publiko dahil hindi nagampanan ng Board of Steward ang kanilang trabaho para protektahan ang interes ng publiko.

Ang inisip lamang ng MJCI ay ang kumita ng malaki at tila nanghihinayang sila sa ibabalik na taya sa mga karerista na tumangkilik ng PGC.

Isang maikling “Sorry” lang ang hinihintay ng bayang karerista at ni Mayor Abalos mula sa pangasiwaan ng SLLP sa kanilang pagkakamali.

Hanggang ngayon ay nagmamatigas ang MJCI na kanilang pinaninindigan na walang naganap na false  start sa karera ng PGC  kahit napatunayan sa nagkaroon ng depekto ang pintuan ni Hagdang Bato sa starting gate nang simulan ang karera.

Sadyang makapal ang mukha ng SLLP lalo na ang mga miyembro ng board of steward na pinamumunuan ni Johnny  Cruz sa pagsasabing wala silang  nakita.

Buwiset, magsilayas na kayo dyan sa SLLP,  wala kayong puwang sa industriya lalo na ang mayabang na si Sabat na talaga namang nanindigan na wala silang kasalanan.

Sorry lang po ang hinihingi namin, sa libo-libong pinerwisyu n’yo.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …