Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Markki, tinalakan ni Bb. Joyce dahil sa pagiging late

Ang singer/actor/producer na si Markki Stroem ang special guest sa ginanap na Christmas Party ng Hataw noong Linggo, (Disyembre 15) at maski late dumating ang binata ay talagang natuwa naman sa kanya ang lahat dahil maganda ang PR nito.

Pagkatapos ng dalawang kanta ni Markki ay kaagad na itong nagpaalam dahil may mall show pa siya sa Market! Market! para sa promo ng 10,000 Hours nila nina Robin Padilla.

Gagampanan ng aktor ang isang drug addict na anak ni Robin na hango naman sa tunay na buhay ni Senator Ping Lacson.

Walang binanggit si Markki na may anak na drug addict si Senador Ping kundi ang direktor ng pelikula na si Joyce Bernal, ”dati (adik), ngayon hindi na, naglo-law na (nag-aaral ng abogasya).

At sa nakaraang presscon ng 10,000 Hours ay naikuwento raw ni Markki na talagang nakatikim siya ng talak kay direk Joyce na hindi isinaalang-alang ang pagiging magkapatid nila bilang parehong Cornerstone Talent na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Ayon sa kuwento ni Markki, ”to be honest, medyo na-late ako nang kaunti sa shooting. Lahat sila, naghihintay sa akin.

“Sabi ni direk, ‘alam mo, wala kang karapatang ma-late. Sino ka para ma-late sa movie na ito?’ Ganoon, nagalit siya sa akin.

“Sabi niya, ‘huwag ka tumingin kay Robin ha, kapag bumaba siya sa eroplano, huwag kang tumingin sa kanya kasi wala kang karapatang tumingin sa kanya.’ Grabe.”

At dahil sobrang napahiya si Markki sa maraming tao ay naging makatotohanan ang crying scene niya.

”So, abangan n’yo ‘yung airport scene. Solid ‘yun. Galing ni direk, thank you so much sa suporta niya. Sobrang galing ni direk,” sabi ni Markki.

At dahil aktor si Markki kaya hindi niya inisip na negatibo ang pagkakapahiya sa kanya ni direk Joyce, bagkus ang naging hamon pa ito para mailabas niya ang kakayahan sa pag-arte.

“Talagang na-motivate niya ako nang husto,” sabi ng aktor.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …