Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malak, look-alike ni Katrina Halili

ISA sa masuwerteng matatawag among alumi ng Artitsa Academy ay ang Katrina Halili look a like na si Malak So Shdifat na isa sa cast ng pinag-uusapan at inaabangang drama soap ng TV5, ang Positive na napapanood tuwing Thursday, 9:00 p.m. at pinagbibidahan ni Martin Escudero.

Kung titingnan si Malak, puwede mong mapagkamalang young sister ni Katrina.

Flattered daw si Malak everytime na may nagsasabing kamukha niya si Katrina dahil maganda naman raw ang actress at magaling umarte, mapa-bida o kontrabida.

Katulad ni Katrina, kontrabida role rin ang naiaatang ng Kapatid Network kay Malak at ito naman daw ang gusto niyang gawin more than pagbibida.

Pero tsika nga nito, ”Okey lang po na sabihin nila na kamukha ko si Katrina, nakaka-flattered po ‘yun, pero katulad ng ibang artista gusto ko rin po magkaroon ng saili kong identity.

“Mas maganda kasi na kapag nakita ako ng tao, tatawagin nila akong Malak at hindi ‘yung kamukha ako ni Katrina.”

Gusto din daw nito na i-try magbida pero bida /kontrabida if mabibigyan siya ng pagkakataon. SiChristopher De Leon naman ang gusto niyang makasama dahil alam daw nitong marami siyang matututuhan sa  award winning actor pagdating sa pag-arte.

Daniel at Coco, pinag-Kaguluhan sa My Phone benefit concert

AS expected, mas tinilian at mas inabangan sa katatapos na My Phone One Heart, One Beat, Benefit Concert ang mga Kapamilya star na sina Daniel Padilla at Coco Martin.

Simula nang tawagin ang kani-kanilang pangalan hanggang sa makatapos kumanta sina Daniel at Coco, walang humpay na hiyawan ang narinig mula sa mga taong nanonood. May mga wild pa nga ang dating ng iba.

Halos hindi na marinig ang kanta nina Coco at Daniel dahil sa lakas ng hiyawan.  Hindi na rin ma-control ng mga bouncer ang mga babaeng umaakyat ng stage para yakapin si Coco. Hanggang pagsakay nito sa sasakyan ay buntot-buntot ang dami ng kababaihang gustong makayakap, makahalik, at makapagpa-picture.

Sobrang successful ang nasabing concert sa rami ng mga taong nanood at nakisaya sa mga performer. Bukod kina Daniel at Coco, naroon din sina Sam Concepcion, Gary Valenciano, Paolo Valenciano, XLR8, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Jon Santos.

Pero kung ikokompara ang naging hiyawan, gitgitan, palakpakan kina Daniel at Coco kina Dennis at Tom, lamang ang dalawang actor ng Kapamilya. It only shows na iba ang kasikatan nina Daniel at Coco.

john Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …