Monday , December 23 2024

Happy Birthday Mayor Alfredo Lim

00 Bulabugin JSY
IPINAGDIRIWANG ngayong araw ni Manila Mayor Alfredo Lim ang kanyang ika-84 kaarawan.

Si Mayor Lim, isang napakasimpleng tao, at taon-taon ay nakikita natin kung paano siya nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang payak na paraan.

Alam naman nating lahat na ang kaarawan ni Mayor Lim ay sinisimulan niya sa pagsisimba (kahit hindi niya birthday nagsisimba po siya).

Pagkatapos nito ay pumupunta siya sa Hospicio De San Jose para ipadama sa mga kinakalinga ng orphanage ang maagang Kapaskuhan.

Ang salo-salo almusal ay ginagawa niya sa kanilang matandang bahay sa Tondo, Maynila.

Ganyan po kasimple ang buhay ni Mayor Fred Lim.

Sabi nga no’ng isang kahuntahan natin, naaalala daw nila si Mayor Lim noong nasa pwesto pa.

Early riser si Mayor Lim kaya maaga rin siyang nagtatrabaho. Kaya hindi pa pumapatak ang katangghaliang tapat ay marami nang na-accomplished si Mayor Lim kaya maaga rin niyang naipaplano ang kanyang mga gagawin sa susunod na araw.

Kaya nga naninibago daw sila nang husto ngayon. Kasi ngayon daw, sikat o palubog na ang araw e wala pang ‘movement.’

Hindi rin sila sigurado kung mag-oopisina pa ba o hindi na.

Sising-sisi na raw ‘yung mga ‘nagoyo’ at ‘nabola’ ng mga nakaupo ngayon dahil ibang-iba na nga raw talaga ang nangyayari ngayon sa Maynila.

Tsk tsk tsk …

Ganyan daw po talaga, laging nasa huli ang pagsisisi…

Pero malay din natin baka biglang magkaroon ng malaking pagbabago sa Maynila …

Kapag nagkataon ‘e isang magandang PAMASKO ‘yan sa mga taga-Maynila.

Isang makabuluhang kaarawan po Mayor Alfredo Lim!

ANYARE SA AIRPORT?!

TALAGA naman!

Sigurado tayo, pati mismo si Manila International Airport Authority (MIAA) GM Bodet Honrado ay nagulat sa naganap na pananambang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

APAT ang patay, kabilang ang mayor ng Labangan, Zamboanga del Sur, ang kanyang misis at dalawa pa.

E ano nga ba ang nangyari, GM Bodet?

Mukhang kapos na kapos ang seguridad sa NAIA?!

Ang bakanteng position na  Airport Police Chief at Asst. GM for security & services kaya ang dahilan ng maluwag na seguridad sa airport?

Tiyak na pag-uusapan na naman ito hindi lang sa buong bansa kundi maging sa buong mundo.

‘Yan ang ating ‘WINDOW OF THE WORLD.’

Hindi pa nga nakaaahon sa imaheng ‘WORST AIRPORT’ heto meron na naman bagong isyu – at ang matindi – security matter pa!

Ano na ba talaga ang nangyayari, General?!

ERAP BONUS SA MPD, NAKATKONG AGAD?!

NANG mabalitaan ng mga MPD LESPU na makatatanggap sila ng P6,000 ERAP BONUS (Hindi PNoy ha) e natuwa sila … pero bigla rin silang nadesmaya …

Kasi ba naman ang sumayad sa mga palad nila ay P4,000 na lang.

KINATKONG  ‘yung dalawang libo (P2,000) dahil inobliga silang bumili ng MPD commemorative plate na MPD 113TH anniversary. Kung hindi tayo nagkakamali, sa Enero 9, ang ika-113 anibersaryo ng Manila Police District (MPD).

Kaya imbes masiyahan sa ERAP Bonus ‘e nadesmaya pa ang mga pulis.

‘Yung mga pulis na mayroong sasakyan, s’yempre meron silang paglalagyan.

‘E paano ‘yung mga walang sasakyan? Saan nila ilalagay ‘yan?! Ikakabit sa likod nila?!

At hindi ba ipinagbabawal na ng LTO ang paggamit ng commemorative plate sa mga sasakyan!?

Gademet!!!

MPD DD Gen. Isagani Genabe, ano bang pinaggagagawa ng mga bata mo sa MPD!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *