Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginang utas, 2 paslit na anak sugatan sa trak

DEDBOL ang isang ginang habang himalang nabuhay ang kanyang dalawang anak, makaraang araruin ng dump truck, kamakalawa, sa Quezon City.

Sa ulat ni PO2 Alfredo Moises ng Traffic Sector 5, kinilala ang namatay na si Raquel Mancia, 28, at sugatan naman  ang kanyang dalawang anak na sina IC Calvez, 6-buwan gulang sanggol at Kalie, 3-anyos, pawang residente ng Petsayan Kanan, Brgy., North Fairview, Commonwealth Ave., sa lungsod.

Samantala, swak sa kulungan ang driver  na si Ruben Paraiso, 59-anyos, residente ng Bgy. Cay Pombo, Santa Maria, Bulacan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 11:30 ng gabi sa waiting shed, kanto ng Fairlane at Commonwealth Ave. sa nabanggit na barangay.

Nabatid na inihatid ng ginang ang kanyang mister kasama ang dalawang anak at nang makasakay si mister, dito sila tinumbok ng dump truck (RKE-946) na minamaneho ng suspek.

Sa lakas nang pagkasalpok, pumailalim ang mga biktima sa dump truck dahilan para agad malagutan ng hininga ang ginang.    (J. SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link